Korean movies/drama/music, mas kinababaliwan ng maraming Pinoy
Script Doctor kailangan na?!
Wow kasama rin sa The 10 Best Movies of 2019 ng Time ang Korean movie na Parasite.
Nasa no. 6 ang Parasite ng Korean director na si Bong Joon Ho na isang dark comedy na inaasahan ding magiging kauna-unahang Oscar nominee and winner for Best Picture and Best Foreign Language.
Simple pero malalim ang kuwento ng Parasite na nauna nang pinuri sa Cannes International Film Festival at nanalo ng Palme d’or.
Naka-focus ito sa social status ng dalawang pamilya, isang mayaman at mahirap.
Hindi namalayan ng isang mayamang pamilya na nagsabwatan pala ang isang mahirap na pamilya para makaranas ng ginhawa sa kanilang bahay sa pamamagitan ng pagta-trabaho sa kanila bilang house helper, driver, tutor.
Pero malalaman din dito ang social status sa pamamagitan ng amoy ng mayaman at mahirap na sa ending ay mauuwi sa malagim na pangyayari ang lahat.
Actually, parang very Filipino ang kuwento, pero bakit kaya hindi tayo makagawa ng ganung pelikula?
Ang Miracle In Cell No. 7 na humahataw ngayon sa ginaganap na 45th Metro Manila Film Festival starring Aga Muhlach ay local adaptation din ng isang Korean hit film.
Touching ang story tungkol sa isang mag-tatay na pinaghiwalay ng isang pangyayari na hindi naman ginawa ng isang amang mentally challenged.
Maiisip mo rin, bakit kaya hindi ‘rin ‘yun nagawa ng mga local writer natin?
Panahon na kaya para mag-workshop sa mga Korean writers ang scripwriters natin para naman magkaroon sila ng fresh ideas at hindi paulit-ulit na lang ang story?
Or baka nga kailangan ng tulong ng script doctor para maitama ang mga kuwento ng ibang pelikulang Tagalog?
Anyway, namayagpag din ngayong 2019 ang Korean drama / K pop hindi lang sa Pilipinas kung di sa buong mundo.
Dito nga sa atin, maging ang mga Pinoy star ay pinagkakagastusan ang pag-biyahe sa Korea para manood at makita ang mga idol nila.
Noon pa K drama addict / k pop fanatic sina Anne Curtis, Jinkee Pacquiao, Bela Padilla, Arci Muñoz, Liza Soberano, Alden Richards, at maraming marami pang iba kasama na si Manay Lolit Solis na literal na nabaliw sa Koreanovela at sa super idol niyang si Jo In-sung.
At lalo na pag may fan meeting dito sa Pilipinas. Ginagastusan ng fans habang ang mga Tagalog film natin, hirap magkaroon ng box office result.
Tulad ngayon, tatlong pelikula na agad sa MMFF ang iilan na lang ang natirang sinehan dahil nga hindi kumikita.
Sa pagpasok ng 2020, mas maraming Pinoy pa kaya ang maging Korean fanatic? Paano na ang mga Tagalog film natin?
- Latest