Mga batang namasko walang ibang mapuntahan

Anong pelikula ba ang number one nang mag-umpisa ang 45th Metro Manila Film Festival noong Miyerkules, December 25?

Napanood ko sa TV noong Miyerkules na mahaba ang pila sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng mga pelikula nina Vice Ganda, Coco Martin, Vic Sotto at Aga Muhlach.

Dahil nasunog ang Star City, walang ibang mapuntahan ang mga bata kaya nakipagsiksikan sila sa mga sinehan para makapanood ng pelikula.

Tuwing Pasko, ang mga bata ang pumipili ng panonoorin nila at sumusunod lang ang mga magulang sa gusto ng kanilang  mga anak.

After ng awards night ng Metro Manila Film Festival na mangyayari ngayong gabi, ang mature audience naman ang pipila sa mga pelikula na nanalo ng mga parangalan.

Watch n’yo ang lahat ng movies dahil in fairness, magaganda ang lahat ng entries.

‘Nothing will last forever’

Naloka ako Salve nang dumating si Junior sa bahay ko noong Pasko para bumati ng Merry Christmas, matapos na mala-John Lloyd Cruz niya na tinalikuran ang showbiz.

Si Junior po ang driver ko for almost 37 years na naging lasenggero nang tumanda. Isang araw bigla niyang sinabi sa akin na hindi na siya magda-drive at nag-walk away.

Hay naku, sobrang nalungkot ako dahil siyempre, matagal na panahon na siya ang driver ko at in fairness, alam ko na kasama siya sa suwerte sa buhay ko kaya umangat at nakaipon ako.

Last year, April nang mag-babu siya kaya last Christmas, ang asawa, mga anak at mga apo lang ni Junior ang namasko sa akin.

Noong Miyerkules, nagulat ako dahil dumating siya kasama ang kanyang asawa at mga apo. Hindi ko ipinakita na natuwa ako pero muntik na akong mag-cry nang sabihin niya na ‘Ate puwedeng mag-drive ako uli sa’yo kasi baka sumasakay ka ng taxi ma-hold up ka pa.’

Sinabi niya ‘yon habang la­sing siya ‘ha? Naku, ayoko nang ma-trauma uli pero in fairness uli, natuwa ako sa gesture niya dahil sa mahaba na panahon, itinuring ko nang pamilya si Junior.

Kaya lang, siyempre, nothing will last forever. Gusto ko lang sana na huwag na siyang uminom ng alak dahil likas na mabait naman at mapagkakatiwalaan si Junior.

Baka bigyan ko siya ng second chance kapag nakita ko na hindi na siya drink, hahaha! One blessing for me dahil gusto niya na bumalik uli pero sabi nga, dapat may change, dapat wah nang alak.

Ursula naging kontrabida nung Pasko

I cannot imagine a rainy Christmas pero nangyari ngayong taon. Mabuti na lang, gabi na nang umulan sa Metro Manila pero grabeng tinamaan ni Typhoon Ursula ang Visayas.

Paskung-Pasko, walang kuryente sa ibang mga lugar, stranded ang marami dahil walang sasakyan na pang-dagat ang naglayag.

Grabe ang timing ni Ursula ha? Naalala ko tuloy na madalas na pangalan ng mga kontrabida ang name na Ursula at kontrabida nga siya nung Christmas.

Sabi ng mga psychic, may gusto raw ipahiwatig ang mga kaganapan around the world. Hindi lamang sa Pilipinas nagaganap ang mga trahedya kundi sa buong mundo. God will always be with us, hindi Niya tayo pababayaan.

In the middle of all these chaos, prayers lang ang kailangan. Open our eyes and heart, see the beauty, not the pain. For God is always good all the time.

Show comments