^

PSN Showbiz

Mga artista at manggagawa hindi na mapakali, takot mawalan ng pagkakakitaan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga artista at manggagawa hindi na mapakali, takot mawalan ng pagkakakitaan
Rep. Alfred

Kapalaran ng mga kapamilya, papalapit na!

Bagong Taon naman ang pagkakaabalahan nating lahat.

Sa bilis ng araw, hindi natin namamalayan, Pasko na uli.

Speaking of New Year, ayon sa isang reliable source, na­dagdagan na diumano ang kabuuang bilang ng mga panukala sa House of Representatives upang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, matapos maghain sina Rep. Rufus Rodriguez at Rep. Josephine Ramirez-Sato ng dalawang bagong panukala.

Inihain ni Rep. Rodriguez mula sa ikalawang distrito ng Cagayan de Oro ang House Bill 5705, habang si Rep. Ramirez-Sato naman mula sa Occidental Mindoro ng House Bill 5753 na parehong itinutulak ng dalawang panukala na maipagpatuloy ng ABS-CBN ang operasyon nito.

Bago ito, may ka-chika na akong source na pito pang mga panukala ang nauna nang inihain ng 11 mambabatas sa kongreso, kabilang na ang House Bill 676 nina Rep. Micaela Violago, Rep. John Marvin Nieto at Rep. Joey Salceda, House Bill 3064 ni Rep. Jericho Nograles, House Bill 3521 ni Rep. Baby Arenas, House Bill 3713 ni Rep. Joy Tambunting, House Bill 3947 ni Rep. Sol Aragones, House Bill 4305 ni Rep. Vilma Santos-Recto at House Bill 5608 ni Rep. Aurelio Gonzales Jr., Rep. Johnny Pimentel at Rep. Doy Leachon.

Usap-usapan nga ngayon sa showbiz kung ano ang magiging kapalaran ng mga artista at mga ordinaryong manggagawa kung tuluyang ipasara ang network dahil lang diumano sa mga patalastas na ‘di umere.

Nang maka-chika rin namin recently si Rep. Alfred Vargas at matanong sa issue, umaasa rin siyang magiging maayos ang lahat dahil maraming maaapektuhan kapag hindi ma-renew ang naturang franchise. “Siyempre para sa akin eh marami pa ring trabaho ang nabibigay ng network and sana maayos. And then kasi naman ang concern ko maraming mawawalan ng trabaho and sana kung ano man ‘yung problema, sana ano man ang mangyari eh maayos pa rin in the end,” sabi ng actor / politician na may hang over pa sa pagkakahirang bilang isa sa sampung TOYM (Ten Outstanding Young Men - for Public Service).

Sen. Lito

Halos ganito rin ang pananaw ni Sen. Lito Lapid nang hingan siya ng reaksyon hinggil sa posibilidad na ipasara ng pamahalaan ang network nang mag pa-thanksgiving siya sa selected entertainment press. “Kawawa naman. Huwag naman, marami ang mawawalan ng trabaho. Basta, magdasal na lang tayo. Sana, walang mawawalan ng trabaho.”

Maging ang mga artista ay umaasa na magiging maayos ang franchise renewal ng network na nagbibigay sa kanila ng hanapbuhay.  Kamakailan ay kumatok si Yeng Constantino sa puso ni Pangulong Duterte. “I don’t know what’s right and wrong for you, and why it has come to this, but sir, I wish you would consider other artists who are working in this industry, like us, knocking at your heart[‘s door], hoping you won’t cut off our source of income.”

Nakatakdang mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN sa Marso ng 2020 eh sa bilis ng panahon, baka nga naman paggising nila, Marso na.

Nauna nang ipinangako ni House Speaker Alan Cayetano na magiging patas ang House of Representatives kapag nagsagawa na ng mga pagdinig sa susunod na taon.

Positibo naman si Sen. Tito Sotto na may sapat na oras ang House of Representatives at senado para makapagpasa ng batas na magbibigay sa ABS-CBN ng bagong prangkisa.

Kamakailan lang ay nag-trending ang #NoToABSCBNShutdown dahil na rin sa mga tagasuporta ng Kapamilya network.

Abangan ang susunod na kabanata sa renewal ng franchise ng Kapamilya Network na mahigpit na binabantayan ng bayan lalo na ang faney ng mga teleserye.

 

 

ALFREDO VARGAS

LITO LAPID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with