Iza, may gustongi-produce na pelikula
Ipinagmamalaki ni Iza Calzado ang pelikulang Culion na kanyang pinagbibidahan. Ayon sa aktres na isa rin sa producers ay hango ang naturang Metro Manila Film Festival 2019 entry sa tunay na pangyayari noong 1937 at 1938 sa Culion, Palawan na naging bahagi na ng ating kasaysayan.
“It was such an important time in Philippine history but more importantly for that island. It’s a community of people who were pretty much outcast. Then pinagsama-sama sa iba’t ibang region, pero forced to live together and to unite. Then forced to hope together,” pagbabahagi ni Iza.
Para sa dalaga ay mahalagang masaksihan ng mga manonood ang pelikula dahil tungkol ito sa isang komunidad ng mga Pilipinong mayroong Hansen’s disease o Leprosy. “I think it’s very timely. I think it’s something that will resonate to everybody. Kasi it’s a story of unity, hope and love. That’s a theme that’s timeless,” giit niya.
Umaasa si Iza na makapagpo-produce muli ng mga makabuluhang pelikula para sa lahat ng manonood. “One day I hope I could produce other things wherein I just really like the story. I like real stories that something that’s more substantial perhaps. ‘Yung after mong panoorin may mapapaisip, or it could change your perspective in a positive way, in a better way,” paglalahad ng aktres.
Lyca, ayaw pang magpaligaw
Labinglimang taong gulang na ngayon si Lyca Gairanod. Ayon sa kauna-unahang champion ng The Voice Kids Philippines ay mayroon na rin siyang mga manliligaw sa kasalukuyan pero hindi niya muna ito pinagtutuunan ng panahon. “Mas inuuna ko po ang pag-aaral ko. Study first po talaga ako,” nakangiting pahayag ni Lyca.
Kapag may lalaking magpaparamdam ng hangarin hinaharap naman daw ito ng dalagita. “Pero ang sinasabi ko po sa kanila, study po muna ako. Siyempre po ‘yung pangarap ko po talagang makapagtapos po muna ng pag-aaral. Kaya hindi ko po priority,” dagdag niya.
Aminado si Lyca na nagkakaroon na rin siya ng crush sa kanyang murang edad. “Pero ngayon wala na, siguro ‘yung nag-Your Face (Sounds Familiar) dati, si Sam (Shoaf). Dati crush ko po siya pero mas natutukan ko po ‘yung pag-aaral ko. Mas nag-focus po ako do’n. Kasi that time wala na rin naman po siya, umalis na po siya. Kaya madali lang po talaga ako mawalan ng crush, gano’n,” pagtatapat ng singer. (Reports from JCC)
- Latest