Bambbi lapitin ng mababait, Jinkee binati ni Ji Chang-Wook

Bambbi

Dalawa sa mga tao na mahal ko ang magdiriwang ng birthday, sina Jinkee Pacquiao at Bambbi Fuentes.

Si Jinkee, sa January 12 ang 40th birthday at binigyan na siya ni Bernard Cloma ng advance birthday gift, isang expensive bag pero hanggang ngayon, hindi pa niya naibibigay ang boxing gloves ni Papa Manny Pacquiao at tatlong boxing matches na nito ang nakalipas kaya iritable na si Lynette.

Inuna pa ni Bernard ang pagbili ng bag ni Mama Jinkee kesa ipa-autograph niya kay Papa Manny ang boxing gloves para kay Mama Lynette.

Happiest birthday Mama Jinkee, sure ako na binati ka ni Ji Chang-wook.

Jinkee

Isa pa sa mga birthday celebrant ang tao na nagpapaganda sa ating dalawa Salve, si Bambbi Fuentes na pati ang kanyang mga friend na sina Malou at Marlene ay naging friends din natin dahil nga nasa magic circle sila ng Kikay Girls.

Dahil mabait si Bambbi, lapitin din siya ng mababait na tao like Marian Rivera , Gelli de Belen at ang Kikay Girls.

Dahil sa kanyang magandang ugali, for so many decades, nandiyan si Bambbi at nananatili na pillar of beauty.

Dahil mabait siya, naging tambay na tayo ng shop niya at lahat ng kanyang staff, close na rin sa atin.

Napag-aralan ko nga na hindi dapat maging dependent sa staff niya ang mga may-ari ng parlor dahil nakailang palit na si Bambbi ng mga tauhan pero top pa rin ang kanyang salon. Bambbi, thank you for being family. Thank you for your gift of beauty.

‘Pagta-travel refreshing’

Siguro, nakuha ko ang love for travel dahil sa wish ko before na maging flight stewardess kasi nga parang hindi ako makapaniwala na merong puwede na lumipad sa ulap.

Forever ang gratitude ko kay Mother Lily Monteverde dahil siya ang unang nagdala sa akin sa abroad, sa Hong Kong.

Nag-aaway kami noon ni Douglas Quijano dahil lahat ng mga kanto sa Hong Kong, gusto ko magpakuha ng pictures.

Habang nasa Hong Kong kami, sinabi sa akin ni Douglas na dapat mag-pay forward ako. ‘Yung ipinatikim sa akin ng iba, ipatikim ko rin at i-share sa ibang friends ko kaya mahilig ako na kapag may sponsor, ang request ko palagi, puwedeng isama ko si ganito o si ganoon para pareho naming ma-experience ang mga natikman ko.

Kapag meron akong extra at kaya ng budget, tini-treat ko rin ang mga kasamahan sa trabaho like ang staff ng Startalk.

Happy kami sa new experiences namin sa ibang mga lugar pero lately, medyo tamad-tamaran na ako dahil hindi na ako makalakad nang malayo at hingal to the max na.

Saka how many times do you have to see a place ba? Hindi naman ‘yon nagbabago. Kung minsan nga para na lang matuloy ang lakad, pumapayag ako para mag-junket ang mga kasama. Get ko na lang ang allowance na give dahil kahit mag-shopping, bored na ako.

Pero very refreshing ang travels dahil naiiba ang ihip ng hangin at iba rin ang mga napi-feel na vibe.

Show comments