Mayor Joy at Mayor Goma noon pa mag-barkada!
Ang cute naman ng kuwento ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na-starstruck ang photographer niya kaya hindi nakunan ang lahat ng mga magagandang pangyayari nang maging ninang siya sa Manila Cathedral wedding nina Rodjun Cruz at Dianne Medina noong December 21, 2019.
Mabuti naman, ipinapakita ni Mayor Joy sa lahat ang soft side niya. Ang akala ng iba, medyo aloof at aristokrata si Mayor Joy dahil hindi siya ang tipo ng mayor na tulad ni Yorme Isko Moreno na masang-masa kaya hindi masyadong nakikita ang kanyang pagiging cowboy at one of us attitude niya.
Tandaan ninyo na si Mama Betty Go-Belmonte na ay maka-masa at malapit sa mga manggagawa ang mother ni Mayor Joy.
Noong medyo bata pa sina Mayor Joy at Richard Gomez, naging magkabarkada sila dahil kay Douglas Quijano.
Bashers totoong pathetic losers
Amazing, Salve. Bongga ang tinanggap kong bashing. Bugbog-sarado ako. Inisip ko nga kung fans ni Janine Gutierrez ang bashers ko, nanonood kaya sila ng mga pelikula at show ni Janine?
Naalala ko ang threat noon na boycott kay Alden Richards pero number one na pinakamalakas na pelikula ang ginawa nila ni Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye.
Bongga rin ang masasama na salita na ginagamit nila, wow na wow talaga. Lumaki ako sa squatter’s area ng Sampaloc but never na naging ganoon kabastos ang mga panulat ko.
Kahit na pinupuna ko at galit ako, never ko na ginamit ang mga ganoong salita. May mga nagsasabi pa na mamatay na ako. Ganoon?
Magiging maganda ba ang buhay nila kung dead ako? Hahaha!
May mga nagsasabi naman na mukha akong pera, sinasamba ko ang pera at mabait lang ako kapag may ibinigay sa akin. Bakit, binigyan ba nila ako? Nanghingi ba ako sa kanila? Meron kaya siyang pambigay?
To my knowledge, people who keep on complaining at may ganitong galit sa puso are those who are discontented, unhappy, gutom at siguro walang magawa. How can you teach what you don’t know?
Konting issue, parang ‘yun na ang mundo mo para magalit ka ng ganoon at gumamit ng mga bastos na salita.
Pathetic losers. Waste of time. Have a life. Sabi n’yo ako ang bully, eh ako ang gusto n’yo i-bully no? Kaloka kayo hahaha!
Very Luis Manzano...
Naku Salve kung may time si Kris Aquino, sana maging co-host siya sa Take it... Per Minute! (Me Ganun) para itsura ng The View dahil kanya-kanya kami ng talakan sa mga issue na nakakaloka.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang mga maliliit na bagay, sumambulat na agad ang hatred ng mga basher na parang end all at be all na ng buhay nila.
Wala ba silang trabaho o ibang mga pinagkaka-abalahan? Saka how can they write such mean and cruel words?
Kaloka, laking squatter ako pero di ko ginagamit mga salita nila at never ko na ginamit na comment sa mga artista na pinangangaralan ko.
Bashers are pathetic losers, kaya hindi dapat pansinin. Very Luis Manzano ang Nay Lolit ninyo, patola to the max.
- Latest