I’m pretending to be okay!’
‘Sa pagpanaw ni Nanay Lesing
Ito ang kauna-unahang Pasko na hindi ko kapiling ang aking ina. Nagpaalam si Nanay Lesing sa mundong-ibabaw noong December 1. I’m pretending to be okay. I want to share the story. Si Nanay ay nasa ospital ng 63 days. I didn’t share the story because I was doing Tonight with Boy Abunda, The Bottomline and The Cinema, I did a lot of things. Naging kaugalian ko even if I’m very public, ayaw kong kaawaan ako. So siguro doon, that’s an insecurity. The first time nag-code blue, nag-agaw buhay ang aking nanay, it was 3:30 in the morning tumawag ang nurse, nagtakbuhan lahat ng nurses, lahat ng mga duktor, you don’t understand what happens. You’re just outside helpless, powerless.
I just kept on praying, no’ng nag-ring uli ‘yung telepono I wanted to die because I knew something was wrong. I’ve never been so afraid of phone calls, ni hindi ako makatingin sa cellphone. Hindi ko kinukwestiyon ang desisyon, ang will ng Diyos pero bilang anak ‘yun lang ‘yung wish ko. Just one more day. Nagpasalamat na lang ako, ang naalala ko lang, my mother died in my arms. My mother died in my embrace. That will forever stay in my heart.
Mas tumibay ang pagmamahalan sa aming pamilya dahil kay Nanay.
‘Yung aking pamangkin, si Lani, for many years my relationship with her was strained. Ngayon niyayakap ko na, nag-a-I love you na kami sa isa’t isa because that experience changed me. Pangako ko nanay, aalagaan ko ang pamangkin ko, ang kapatid ko, aalagaan ko ang sarili ko para maalagaan ko sila. That particular 10 minutes at the last life of my mother will forever change the way I look at the world, the way I look at myself, the way I view life.
Iza, pabor sa surrogate mother
Kamakailan ay nagdiwang ng unang anibersayo bilang mag-asawa sina Iza Calzado at Ben Wintle. Kahit maraming nagtatanong sa mag-asawa kung kailan bubuo ng pamilya ay wala pa raw talaga sa plano na magkaroon ng anak sa ngayon. “That’s also true because this is my body and these are my choices and you have to respect it. But sometimes, people of course they come from a place of concern. Naiintindihan ko ‘yon,” bungad ni Iza.
Sa halip na makaramdam ng pressure ay pinagbubuti na lamang ng aktres ang lahat ng trabahong kanyang ginagawa. “To be honest like I said, I’m working through a lot pa. So I’m actually not even mentally and emotionally ready,” giit niya.
Sa taong 2021 ay nangangarap naman sina Iza at Ben na mabibiyayaan na ng kahit isang supling. “Physically I’m ready but a few more things but I think I’m getting there so hopefully by the end of next year (magbuntis),” dagdag ng aktres.
Bukas din ang isipan ng mag-asawa sa surrogacy pregnancy o ibang babae ang magdadalang-tao para sa magiging anak nina Iza at Ben sa pamamagitan na rin ng siyensiya. “I’m actually not that young anymore. It’s the age, it’s a security thing for me. It’a a choice,” pagtatapat ni Iza. Reports from JCC)
- Latest