^

PSN Showbiz

Manay Ichu at LT hindi marunong mang-iwan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Manay Ichu at LT hindi marunong mang-iwan!
Lorna

Dahil sa kung anu-anong issues, muntik ko nang malimutan na batiin ang dalawang babae na mahal ko at malaking parte sa buhay ko Salve.

Birthday day, December 23, nina Manay Ichu Maceda at Lorna Tolentino na dalawa sa circle of friends ko na palaging naroroon, kahit ano pa ang mga nagaganap sa buhay ko.

Manay Ichu

I started my showbiz writing career sa panahon ni Doc Jose Perez, ang tatay ni Manay Ichu at mula noon, nag-claim ako na isa ako sa mga adopted sister ng mga Vera Perez.

Never na nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Kahit santambak na mga kagagahan at eskandalo ang pinapasok ko, mahal na mahal ako ni Manay Ichu.

Si Lorna Tolentino naman, sa tatlong dekada ng pagsasama namin, minsan lang kami muntik nang mag-away, dahil sa gift certificates ng Gaisano na nag-expire lang dahil sa Cebu branches lamang puwedeng gamitin.

Doon ko napag-aralan ang transparency, dapat alam ng alaga mo kung ano ang mga kinukuha mo. Mabuti na lang, kahit paano nabanggit ko kay Dina, ang personal assistant ni Lorna, na may ibi­nigay sa akin  na gift certificates si Rose Gaisano kaya nagkabati kami uli. Hahaha, ang alamat ng gift certificates.

Medyo sad ako dahil may sakit pa rin si Manay Ichu, pero alam ko na dahil madasalin siya, sure ako na pagagalingin siya ni Mama Mary. Marian devotee kasi si Manay Ichu.

Si Lorna naman enjoying her life, lalo na sa apo niya na si Tori. Happy birthday Manay Ichu at Lorna, I love both of you. I am thankful and grateful for the friendship all these years.

MMFF mas naging credible sa pagbibigay ng awards

Malapit na malapit na ang 45th Metro Manila Film Festival. Excited na ang lahat lalo sa awards night na mangyayari sa New Frontier Theater sa December 27, 2019.

Siyempre, kabado na ang mga hinuhulaan na mananalo pero tulad nga nang sinabi ni Noel Ferrer, ang spokesperson ng MMFF,  napansin niya na mula nang hawakan ng bagong pamunuan ang December film festival, naging very credible na ang pagbibigay ng awards.

Wala tayong narinig na reklamo o intriga sa mga pinili nila na manalo. Tanggap ng lahat ng mga tao na mahusay at karapat-dapat ang winners kaya lalong lumalakas ang kinikita ng filmfest dahil  magaganda ang official entries, mahuhusay ang mga artista at talagang ginastusan ang production. Congrats Noel dahil sa handling mo ng publicity at promotions ng MMFF dahil bonggang-bongga ang Metro Manila Film Festival.

Watch na tayo sa December 25 ng walong pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2019. Halika na.

Amy, Hall of Famer na

Congrats kay Amy Austria dahil kasama siya sa piling-piling artista na iluluklok sa Hall of Fame ng Metro Manila Film Festival.

Tatlong beses na nanalo si Amy na best actress ng MMFF para sa mga pelikula na Brutal, Bubbles: Ativan Gang, The Celestina Sanchez Story at Trudis Liit kaya pasok siya sa Hall of Fame ng annual film festival.

Hindi matatawaran ang husay ni Amy bilang aktres. Nang manalo siya na MMFF best actress noong 1988  para sa Bubbles Sanchez story, may mga nagkuwestyon dahil dubber daw at hindi tunay na boses ni Amy ang ginamit. Ganyan kahusay si Amy, kahit may ibang tao na  nag-dub ng kanyang mga linya, lumutang pa rin ang acting ability niya.

LORNA TOLENTINO

MANAY ICHU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with