Ang daming fans na nag-react sa huling post ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram account na kung saan naka-swimsuit ito.
Nasa caption nito: “It’s summer somewhere.”
Ang daming nag-react sa post na iyun ni Maine dahil kahit hindi naman ganun ka-sexy ang swimsuit na suot niya, medyo skimpy ang bikini na halos iisa ang obserbasyon ng lahat, kita na raw ang ‘pisngi ng langit’.
Kaya marami ang nagulat sa pagiging daring niya.
Inaasahang ibang Maine at maaring mas daring pa ito sa taong 2020 dahil open na siya sa lahat.
Sa nakaraang mediacon ng Metro Manila Film Festival movie nila ni Vic Sotto na Mission Unstapabol, open na open din siyang pag-usapan ang tungkol sa relasyon nila ni Arjo Atayde.
Sinasagot nga niya lahat, at si Arjo pa nga ang tipid na tipid ang sagot.
Natanong nga namin si Bossing Vic tungkol sa nararamdaman niya sa lovelife ni Maine, hindi naman daw siya nakikialam.
“Hindi kasi nakikialam sa personal na isyu nila eh. Very professional siya.
Pagdating naman sa personal na bagay, hindi ako nakikialam eh. Bahala kayo sa buhay n’yo.
“Hindi ako yung tipong nagbibigay ng unsolicited advice eh.
Minsan, napapag-usapan ang mga buhay buhay, pero hindi namin gaanong napapag-usapan kapag personal na,” pahayag ni Bossing Vic.
Nakikita naman daw niyang masaya si Maine, kaya masaya na rin daw siya para sa Eat Bulaga Dabarkads.
Supermarket nina Krista sa amerika, sunud-sunod na nagsara
Nagulat ako! Sarado na pala ang malaking supermarket dito sa Los
Angeles na pag-aari ng mag-asawang Nino Lim at Krista Ranillo.
Pagdating ko ng Los Angeles mula sa ilang araw na bakasyon sa Arizona, dinala ako ng isang malapit na kaibigan at kababayan sa isang malaking Pinoy supermarket na buong akala ako ay ito na ‘yung pag-aari ng asawa ng dating aktres na si Krista.
Hindi pala.
Iyun daw ang mahigpit na kalaban ng supermarket nina Krista, at ito na lang pala ang natira.
Ayon sa kuwento ng ilang kababayang nakatsikahan ko roon, ang dami na raw nagsarang branches ng Supermarket na ito ni Nino na kung hindi ako nagkamali, Island Pacific ang pangalan.
Ang tsismis na nakarating sa amin, nagkaroon daw ng malaking problema na naging dahilan nang pagkasara nito.
Kung hindi raw sila nagkamali, parang 12 branches na ito sa buong Amerika, pero ngayon ay hindi lang daw sila sure kung isa o dalawa na lang ang natira.
Ayaw naman nilang sagutin kung nagkakaproblema ba ang mag-asawa. Pero nakakapanghinayang lang daw dahil namamayagpag ang supermarket nila noon.
May ilan pang kuwento akong narinig na nangyari rito sa Los Angeles, Califoria, pero mahirap lang ikuwento dahil hindi pa natin nakukunan ng reaction ang kampo ni Krista.