DOSTph nina Dingdong at Jennylyn handa na!

Dingdong &Jennylyn

Uy mapapanood na sa wakas ang pinakaaabangang full trailer ng Philippine adaptation ng hit Koreanovela series na Descendants of the Sun (DOTSph) na pinagbibidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Sa mga litratong naglalabasan, lutang ang chemistry onscreen nina Dingdong at Jennylyn. Kaya naman looking forward  ang avid viewers ng sikat na K drama kung paano ginampanan ng dalawang bida ang iconic scenes ng super hit na Koreanovela. Ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose ang kumanta ng theme song na You Are My Everything.

 Tutok ngayong Linggo bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho sa full trailer ng Descen­dants of the Sun.

Show comments