Julia at Yassi may tapatan kay coco?!

Wow todo promote na rin si Julia Montes ng pelikula ni Coco Martin na 3Pol Trobol. “Yeah! Anim na araw na lang mga KA-LAFFABOL! ,” bahagi ng isa niyang post.
Matagal nang inactive sa showbiz ang actress at paminsan-minsan na lang siya nagpaparamdam.
Diumano’y nagluwal ng baby nila ni Coco ang actress though wala pang umaamin sa kanilang dalawa.

Habang si Yassi Pressman naman ay nagpapasalamat sa mga naitulong sa kanya ni Coco.
“Hihi, nakapasyal din ang on screen partners na sina Cardo at Alyana! ??
“pero sa totoong buhay din naman, napakarami kong ipagpapasalamat sa partner kong ito. Thank you for being one of my best friends.
“You’re truly a blessing to everyone, at mahal ka naming lahat.”
May tapatan bang nagaganap sa totoong koneksiyon nila sa buhay ng sikat na aktor?
Ibang MMFF movie, hindi nag-e-effort mag-ingay
Less than a week na lang at mag-uumpisa na ang Metro Manila Film Festival 2019.
Pero nanatiling walang ingay ang ibang mga kasaling pelikula.
Parang iilan lang ang nakakaalam at pati title hindi maalala ang tamang spelling.
Walo ang official entries tuwing MMFF pero hindi na yata nag-e-effort ang ibang mag-promote.
Parang apat lang na pelikula ang madalas kong mabasa at makita sa social media ang publicity, pero ang iba, waley, hindi nararamdaman.
Nakaka-afraid lang na baka mamaya mawalan ng interes ang ibang moviegoers kung bukod sa tamad sila sa promo, hindi pa magugustuhan ng mga manonood ang mga pelikulang ipapalabas.
Star city hinahanap-hanap
Maraming nakaka-miss sa Star City ngayong mga panahon.
Kung hindi nga naman ito nasunog two months ago eh ‘di sana, may napapasyalan sila at nakakaroon ng chance na ma-experience ang white Christmas kahit man lang sa Snow World sa loob ng nasabing theme park.
Kaya naman ang mga mall, apaw ang mga tao.
Wala pang balita kung kailan at kung magbubukas pa uli ang Star City.
- Latest