Laglag ang pelikulang Verdict sa shortlist ng International Feature Film (formerly Foreign Language Film) Category sa 92nd Annual Academy Awards / The Oscars.
Hindi umepekto sa board of judges ng Oscars 2020 ang malakas na mensahe ng pelikula ni Raymund Ribay Gutierrez na produced ng Center Stage Productions ni 2009 Cannes Best Director Brillante Mendoza.
Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang crime/drama movie na pinagbibidahan nina Max Eigenmann, ang yumaong aktor na si Kristoffer King, Jorden Suan at Rene Duria na sinusundan ang isang domestic violence case sa isang legal process.
Ordinaryong problema ng mag-asawa ang kuwento ng Verdict pero in the end, mare-realize mo na hindi lang pala nakukuha ang hustisya sa loob ng korte, basta sa katapusan ay makakamit mo ito.
Nakasama rin ang Verdict sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.
Parehong magaling sa pelikula sina Max at Kristoffer na namatay last February dahil sa diabetic hanggang nagkaroon ng heart failure.
Nauna na itong tumanggap ng positive reviews sa ginanap na 76th Venice Film Festival.