Jake, nag-iipon na para mapakasalan si Kylie
Masayang-masaya si Jake Cuenca sa takbo ng relasyon nila ni Kylie Verzosa. Para sa aktor ay nagsilbing magandang impluwenysa sa kanya ang beauty queen mula nang naging kasintahan ang dalaga. “Alam n’ya kung ano ang gusto niya. Kapag sinabi niya na mahal niya ako, walang kaduda-duda. So ako rin naman at napaka-supportive niya, loving at inaalagaan niya ako,” nakangiting pahayag ni Jake.
Aminado ang aktor na ngayon pa lamang ay nag-iipon na siya upang makapag-propose at mapakasalan na si Kylie. “Wala pa namang na-set for that pero as of now, pinaghahandaan ko na ang finances. ‘Yung lifestyle ko rin ngayon lagi ko iniisip na nakadugtong ang pangalan ko sa pangalan niya. Ayun, financially, pinaghahandaan ko na,” pagtatapat ng binata.
Jane, maraming sinakripisyo sa Darna
Mula nang makumpirmang si Jane de Leon na ang gaganap bilang pinakabagong Darna ay maraming mga bagay na raw ang naisakripisyo ng dalaga.
Ayon sa baguhang aktres ay malaki na ang nabawas sa oras para sa sarili at maging sa kanyang pamilya. “Emotionally po sobrang hirap. Siguro ‘yung mga ibang tao sinasabi nila, ‘Ang swerte naman niyan naging Darna siya. Swerte naman ng batang ito.’ Pero sobrang grabe ‘yung kailangan mong ibuhos sa dedikasyon para dito at ang dami ko nang sinakripisyo para sa proyektong ito. ‘Yung oras po is number one. ‘Yung oras ko sa family ko, oras ko sa sarili ko and lahat ‘yon binuhos ko sa pagte-training ko. Minsan umiiyak na ako kasi sobrang hirap po talaga. Pero naaalala ko lang ‘yung dating ginagawa ko, na kung nalampasan ko ‘yung isang taon na paghihirap, ‘yung dating ginagawa ko, na kung nalampasan ko ‘yung isang taon na paghihirap, ‘yung isang araw na pagtitiis, bakit hindi ko malalampasan,” pagbabahagi ni Jane.
Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil natupad na ang matagal na niyang pinapangarap na mabigyan ng isang malaking break sa show business. “Kahit naman po sinong artistang nagsisimula, naghahangad ng big break. Pero sa panahon po kasi ngayon, araw-araw may sumusulpot na bagong artista, may nadi-discover na gustong magkaroon ng proyekto. Kaya sabi ko noon, ‘Mapapansin pa ba ako? Ano pa ba ang kailangan kong gawin para lang makamit ‘yung tamang break para sa akin.’ Mabuti na lang at hindi po talaga ako sumuko. Lahat ng audition pinuntahan ko talaga. Nag-extra po ako, 15 years old ako. Pero wala akong ginawa kundi magdasal lang talaga. Do’n ako kumapit hanggang ito na nga, dininig ‘yung dasal ko. Mas malaki pa kaysa sa mga ipinagdasal ko ‘yung binigay ni Lord sa akin,” paglalahad ng dalaga.
Si Tyrone Escalante ang tumatayong talent manager ni Jane kahit noong nagsisimula pa lamang ang aktres. Ayon sa dalaga ay hinding-hindi niya iiwan ang kanyang manager kahit nasa pangangalaga na rin siya ng Star Magic. “Sinabi ko kay Kuya Tyrone kahit no’ng nagsisimula pa lang ako, nag-promise po talaga ako sa kanya na balang araw kapag nakakuha kami ng magandang proyekto, hindi ko siya iiwan.
Pareho kasi kaming nangangarap noon, kaya alam ko rin ‘yung hirap na pinagdaanan niya. Kapag sumusuweldo, siyempre hindi naman gano’n kalakihan ‘yung nakukuha ko, ‘pag sinasabi ko po kay Kuya Tyrone na may kailangan ako. Hindi niya muna ako kinukunan ng komisyon, huwag daw muna.
Gano’n po siya kabait, iniintindi niya ako. At sobrang naa-appreciate ko po ‘yon dahil pamilya na ang turing niya sa akin. Patapos na ‘yung contract ko, pero sinabi ko sa kanya na huwag siyang mag-alala kasi hanggang sa huli, hindi ko siya iiwan,” kwento ng aktres. (Reports from JCC)
- Latest