Mabilis lang ang thanksgiving lunch ni Senator Lito Lapid sa entertainment press noong Lunes dahil pupunta pa raw siya sa senado.
Nagpatawag si Lito ng thanksgiving lunch bilang pasasalamat sa mga miyembro ng entertainment press na sinuportahan ang senatorial bid niya noong May 2019.
Kasama ni Lito ang kanyang anak na si Mark Lapid na nakisalamuha rin sa entertainment writers.
Ikinuwento ni Lito na may pelikula siyang ginawa pero hindi pa niya alam kung kailan ang playdate sa mga sinehan. Baka nga raw sa iWant ipalabas ang kanyang pelikula na may title na Lumang Bakal.
Kahit busy siya sa mga trabaho niya bilang senador, hindi makakalimutan at never na tatalikuran ni Lito ang showbiz.
Kung hindi raw siya nag-artista, hindi matutupad ang lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay kaya malaki ang utang na loob na tinatanaw ni Lito sa showbiz.
Hindi rin nakakalimutan ni Lito ang matagal na guesting niya sa Ang Probinsyano na malaki rin ang naitulong para mahalal siyang muli na senador.
Mahaba ang exposure ni Lito sa primetime action drama series ni Coco Martin na sinuportahan din ang kanyang senatorial bid.
Gusto nga ni Lito na gumawa ng isang pelikula na kasama si Coco at ang ibang mga sikat na action star.
Kung si Lito rin ang masusunod, gusto niya na ma-renew ang franchise ng ABS-CBN dahil naaawa siya sa mga empleyado na mawawalan ng trabaho.
Parang reunion Salve ang nangyari sa thanksgiving lunch ni Senator Lito dahil dumating ang former producer na si Jesse Chua. Si Jesse ang producer ng Mirick Films at malaki ang kontribusyon niya sa pagsikat ni Lito. Maraming pelikula ang pinrodyus ni Jesse na si Lito ang bida tulad ng Tomcat, Batang Salabusab at Kalibre .45.
Matagal nang hindi active si Jesse sa paggawa ng pelikula pero good friends pa rin sila ni Lito na malayo na ang narating sa mundo ng showbiz at public service.
Nakakaiyak...
Cry daw si Gorgy Rula sa US wedding nina Jolo Revilla at Angel Alita dahil crayola rin ang dalawa, lalo na si Jolo, habang nire-recite ang wedding vows nila.
Biglang naging fan ni Sara Duterte si Gorgy dahil cowboy na cowboy at mabait ang mayor ng Davao City at si Bernard Cloma ang unang nag-give sa kanya ng pakimkim na US$100.
Blow by blow ang report ni Gorgy sa akin dahil very immersed ito sa happening at feeling Revilla talaga siya. Very intimate daw ang wedding dahil halos members lang ng family ang imbitado kaya nga pinili nina Jolo at Angel na magpakasal sa US para hindi masyadong public ang wedding ceremony.
Congrats and all my best wishes Jolo and Angel.