SEEN: Matindi ang impact ng love scene at torrid kissing scene nina Cherie Gil at Angel Aquino sa Kaputol, ang unang indie movie ng direktor na si Mac Arthur Alejandre.
SCENE: Ang karakter ni Alfred Vargas sa Kaputol ang isa sa mga most challenging na ginampanan niya dahil sa iba’t ibang klase ng emosyon na lead actor at producer din ng Kaputol.
SEEN: Naririto sa Pilipinas ang Korean producer na si Kim Min-ki at ang Korean director na si Lee Hwan-kyung dahil sinuportahan nila ang premiere night noong Lunes ng Filipino remake ng Miracle in Cell No.7.
SCENE: Ibinalita ni Lee Hwan-kyung na magkakaroon na rin ng Indonesian version ang Miracle in Cell No.7. May Turkish at Indian remake na rin ang blockbuster movie niya noong 2013.
SEEN: Sinabi ni Aga Muhlach sa kanyang misis na si Charlene Gonzalez ang plano niya na magkaroon ng victory party kapag nanalo siya na best actor sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival. Hindi lamang bida si Aga sa Miracle… dahil co-producer din siya nito.
SCENE: Ang balita na diumano, naghahanap na ng kapalit ni James Reid bilang leading man ni Nancy McDonie sa television series na dapat na pagbibidahan nila. Si Nadine Lustre ang itinuturo na dahilan kaya nag-back out si James sa TV project nila ni Nancy.