Cong. Alfred pinuri sa naipasang batas para sa mga cancer patient

Cong. Alfred

Sobrang saya ni Cong. Alfred Vargas noong nakaraang Sabado ng tanghali, pagkatapos siyang parangalan bilang isa sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) honoree for public service.

Nung nakaraang Biyernes ang awarding na ginanap sa Manila Hotel na kung saan very proud ang asawa niyang si Yasmine na sumama sa kanya pati ang mga kapatid.

Isa sa achievements ni Cong. Alfred na pinuri siya ng lahat ay ang ipinasa niyang batas na Rep. Act 11215 o National Integrated Cancer Control Act na naglalayong makatulong sa mga Cancer patients pati sa pamilya nito.

“Ang batas natin, ang National Integrated Cancer Control Act, iyun ang batas na nagsasabing the government will help the Cancer patient and the Cancer family, pati ang pamilya ng pasyente.

“Kasama na rito ang pagpapatayo ng Cancer Centers…hindi lamang one Cancer Center. Hindi lang tulad dito isa lang ang Heart Center. Dito, hopefully Luzon, Visayas at Mindanao and even sa regional level,” pahayag ng actor/politician na alam na alam niya ang pinagdaanan ng pamilyang may mahal sa buhay na nagka-Cancer dahil iyun ang dahilan kung bakit pumanaw ang kanyang ina.

Ito raw ang ipinangako niya sa kanyang ina bago ito pumanaw na sa abot ng kanyang makakaya ay tutulong siya sa mga taong nagka-Cancer pati sa pamilya nito.

“Ako kasi from my experience, pag may Cancer ka ang laki ng gastos. Tapos tinitingnan mo kung saan ka ituturo…yung streamlining mo, lahat ang organizing, before Cancer, during Cancer, and after Cancer. Kasama na yung government even in providing subsidies sa medicines and treatments,” dagdag niyang pahayag.

Ang isa pa sanang gustong iparating sa lahat ni Cong. Alfred ay meron na raw paraan kung paano natin ma-control o maiwasang magka-Cancer.

May mga test na raw para malaman kung ano ang puwede nating gawin para maiwasan nating magka-Cancer.

“I suggest to everyone, magpa-early screening na tayo. Kasi it’s the cheapest way, it’s the most effective way to battle Cancer habang maaga pa. 

And we know some friends who have successfully battled Cancer,” pahayag ng Representative ng District 5 ng Quezon City.

Show comments