SEEN: Sina Bela Padilla at Marco Gumabao ang mga bida sa Philippine adaptation ng Korean blockbuster movie na Spellbound. Naganap kahapon ang story conference ng Spellbound na unang mainstream movie ni Thop Nazareno, ang direktor ng Edward. Ang Spellbound ang pangalawang Korean movie na pagbibidahan ni Bela na gumanap na anak ni Aga Muhlach sa Miracle in Cell No.7.
SCENE: Magician ang role ni Marco Gumabao sa Spellbound kaya magkakaroon siya ng workshop para sa karakter na gagampanan niya.
SEEN: Kahapon ang look test nina Jerald Napoles at Kim Molina para sa second movie nila sa Viva Films, ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam. Si Darryl Yap ang direktor na director din nila sa Jowable.
SCENE: Heart failure ang sanhi ng pagpanaw kahapon ng GMA 7 news reporter at TV host na si Cesar Apolinario. Halos limang buwan na ang nakalilipas nang malaman ni Cesar na may lymphoma siya na isang uri ng kanser.
SEEN: Contract star pa rin si Nadine Lustre ng Viva Artists Agency ang paglilinaw ng isang insider tungkol sa balita na umalis na siya sa bakuran ng Viva, tulad ng kanyang boyfriend na si James Reid. Nagkaroon ng mga haka-haka na hindi na talent ng Viva si Nadine dahil sa pagpirma niya ng kontrata sa record label ni James Reid na diumano’y nag-back out na sa television series na pagbibidahan nila ng Korean actress na si Nancy McDonie.