MANILA, Philippines — Pumanaw na ang award-winning GMA-7 broadcast journalist at direktor na si Cesar Apolinario ngayong araw, ika-13 ng Nobyembre.
Siya'y 46-anyos lamang.
Bago nakilala sa mga programang "I-Witness," "Brigada," "Born to Be Wild" at "I-Juander," nagtapos muna si Cesar sa kursong Communication Arts sa University of Santo Tomas bago naging cameraman-researcher ng Kapuso Network.
Labis namang ipinagluksa ng istasyon ang pagkawala ng nasabing batikang mamamahayag.
"Lubos naming ikinalulungkot ang pagkawala ng aming Kapuso, Cesar Apolinario Jr., na mapayapang sumama sa kanyang Tagapaglikha ngayong araw, ika-13 ng Disyembre, 2019," sabi ng GMA Network sa isang statement sa Inggles.
Aniya, mami-miss daw nang husto ng kanyang pamilya, mga kaibigan, kasamahan, lalo na ng mga nasa GMA News and Public Affairs at industriya ng pelikula si Cesar.
"Isang loyal Kapuso, ang kanyang desikasyon sa kanyang kasanayan bilang news reporter, producer at public affairs host ay patuloy na magsisilbing inspirasyon sa ating lahat," dagdag pa ng pahayag.
Hindi rin napigilan ng ilang kasama niya sa industriya na magbigay ng kanilang mensahe para sa yumaong journo.
"Di ba sabi mo magpapagaling ka? Sino na magiging kaasaran ko? Nagkaroon na nang magandang buhay, @CesarApolinario. Maaari ka nang mamahinga," ani Tina Panganiban-Perez.
Di ba sabi mo magpapagaling ka? Sino na magiging kaasaran ko?
— Tina PanganibanPerez (@tinapperez) December 13, 2019
You lived a good life, @CesarApolinario. Now, rest in peace.
Death isn’t always a sad thing. We are comforted by knowing you are now with God. Paalam, Jologs.
Mahigpit na yakap naman para sa mga inulila mo. pic.twitter.com/Ps8uoxZEOG
Para naman kay Raffy Tima, hindi lang basta katrabaho ang naglaho sa pagkawala ni Cesar.
He was more than a colleague, he was a friend. There are no words. Godspeed and rest in peace @CesarApolinario. pic.twitter.com/10LNaTLYus
— Raffy Tima (@raffytima) December 13, 2019
Kasama sa kanyang naulila ay ang misis na si Joy at kanilang mga anak.
Maliban sa pagbabalita, matatandaang nailahok pa sa 2007 Metro Manila Film Festival ang pelikula niyang "Banal," kung saan nasungkit niya ang parangal ng pagiging Best Director. — James Relativo