Opisyal na ngang naglabas ng statement ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. na tapos na ang franchise nila sa Miss Universe.
Kasabay na rin doon ay inilatag nila kung ilang Miss Universe ang nai-produce nila, ilang runners-up at pati ang mga nakapasok sa finalists.
Isinama na rin nila ang iba pang beauty competitions na sinalihan nila, at hawak pa rin naman nila ang franchise ng ibang international title.
Napabalita na natin noon na isa sa pinag-uusapang posibleng sumali sa bagong humahawak ng Miss Universe Phlippines ay ang abugadang si Patricia Magtanong.
Pagkatapos inilabas ng BPCI ang kanilang statement, may post si Patch na ang duda ng karamihan ay may plano itong sumali sa bagong franchise na Miss Universe Philippines.
Sabi niya sa kanyang Instagram account; “When the heart speaks, listen. When purpose calls, follow.”
Maraming nag-react sa post niyang iyun at nagtanong kung may plano nga siyang sumali.
Ganundin ang isa pang Binibining Pilipinas-International winner na si Atisha Manalo ay tila may plano rin sumali, dahil nakisabay din siya ng post sa kanyang Instagram account ng isang mensaheng; “It’s time to give it a go! Bring your dreams with you!”
Kaya baka ang ending nito pawang mga dating title holders ang sasali next year dahil lahat naman na mga sumasali sa beauty competitions ay Miss Universe talaga ang tina-target.
Bianca tinalbugan ang maraming Kapamilya stars sa audition ng HBO series
Tuloy pa rin ang Walk of Fame na sinimulan ni Kuya Germs sa Eastwood,
pero next year pa pala sila magkaroon ng unveiling.
Pero kahapon lang ay mga bagong batch na Kapuso stars ang nilagyan ang star sa Walk of Fame sa GMA 7.
Ang mga bagong idinagdag sa Walk of Fame ay sina Aicelle Santos, Yasmien Kurdi, Kris Bernal, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Roi Vinzon, John Feir at Iya Villania.
Kabilang din ang mga taga-GMA News na sina Emil Sumangil, Oscar Oida, Marisol Abdurahman, Lala Roque at JP Soriano.
In-induct na rin doon ang star nina AiAi delas Alas, Gabby Concepcion, Carmina Villaroel, Megan Young, Dion Ignacio, Atom Araullo at Rovilson Fernandez.
Humarap sa media ang magka-loveteam na Miguel at Bianca, pero binantayan sila para hindi na mapag-usapan ang ibang isyu.
Mas type ni Bianca na pag-usapan ay ang bago niyang project, ang series na Halfworlds sa HBO.
Nag-audition si Bianca sa seryeng iyun na ipalalabas sa HBO.
Nagulat daw siya dahil pawang mga Kapamilya stars pala ang kasabay at siya lang ang nag-iisang Kapuso at siya ang napili.
Next month na siya magsimulang mag-shoot na kukunan dito, pero palipad-lipad din daw siya ng Singapore para sa ilang activities na may kinalaman sa series na ito sa HBO.
“Our season is the first HBO series na nakipag-collaborate with Filipinos. So, first Filipino series pa,” pakli ni Bianca.
Hindi pa raw puwedeng ma-disclose ang buong cast na kasama, pero nabanggit din niyang kasama niya rito si Sam Concepcion.
Kaya early part of next year ay dito muna naka-focus si Bianca at sobrang excited siya rito dahil kakaibang experience daw sa kanya na may pang-HBO na siya.
Michelle nasa top 40 na
Mapapanood pala sa GMA 7 ang Ms. World 2019 na kung saan lalaban ang Kapuso actress na si Michelle Dee.
Tiyak nang pasok si Michelle sa top 40 dahil sa head to head challenge na kung saan na-impress sila sa kanyang advocacy na Autism awareness.
Posibleng pasok din siya sa top 20 dahil sa kanyang advocacy sa Beauty with a Purpose.
Iyun naman talaga ang gustong mangyari ni Michelle dahil sa adbokasiya niyang ito.