MANILA, Philippines — Kumpirmadong magtatanghal ang award-winning international hip-hop group na Black Eyed Peas sa pagsasara ng ika-30 Southeast Asian Games ngayong Miyerkules.
"Mission accomplished: I’ve been trying forever to get my brothers @iamwill and @taboo to join me for #SEAGames," ani apl.de.ap sa kanyang Instagram account, Martes.
Kahapon, humarap sa media ang tatlong miyembro ng BEP at inilahad "kung gaano ka-Pilipino" ang kanilang grupo.
Tubong Angeles, Pampanga ang Filipino-Amerrican na si apl.de.ap, na kilala rin sa totoo niyang pangalang Allan Pineda Lindo.
Sumikat ang kanilang grupo sa mga awiting "Where is the Love," "Don't Phunk With My Heart," "I Gotta Feeling" at "My Humps."
Kilala rin sila sa kantang "APL Song" at "Bebot," kung saan iniawit ni Pineda ang kanyang pagmamahal at pagka-miss sa bansang Pilipinas.
Matatandaang nag-perform din si apl.de.ap noong buksan ang mga palaro noong ika-30 ng Nobyembre.
Sabi pa niya sa mga Pinoy fans, abangan ang kanilang performance na mangyayari ngayong araw, sabay sabi ng hashtag na "WeWinAsOne."
Dahil dito, labis na itong kinasasabikan ng kanilang mga tagahanga sa social media.
So excited for Black Eyed Peas later in the 2019 Sea Games closing ceremony. Omg Fergie, Will i am ????????
— Nare (@zupphomiesxc) December 11, 2019
Philippine Arena pala ang U2 concert and New Clark City SEA games closing ceremonies naman ang Black Eyed Peas. Gusto ko man pumunta ang layo at may pasyente ako. Team YouTube na lang ako :((
— Drogs ® (@Drogoluvsbubwit) December 11, 2019
Nakatakdang itanghal bilang kampeon ng 2019 SEA Games ang Pilipinas matapos manguna sa nasabing patimpalak: 149 ginto, 117 pilak at 121 tanso. — James Relativo