Liza mas piniling magtayo ng negosyo sa lugar na malapit kay Enrique
Nagbukas na ang bagong negosyo ni Liza Soberano na Hope Wellness Spa sa Alabang. Nakakadalawang taon na rin ngayon ang Hope Wellness Spa
na pagmamay-ari ng aktres sa Quezon City.
“The reason why I put up a wellness spa is because I’m very passionate about spas because of course I’ve been working since I was twelve. Parang
pinaka-‘me’ time ko is whenever I go to the spa. So I’ve always been the type of person who loves getting treated. So I think it was easier for me to put up
this kind of business. It’s something that I personally enjoy,” bungad ni Liza.
Mas maliit ang Quezon City branch ng Hope Wellness Spa kaya mas kakaunti raw ang mga serbisyo rito ayon sa dalaga. “Exclusive to hand and foot
services. We wanted to focus on that because those are the most tired parts of the body. We’re always using our hands when we talk and when we carry
things,” paliwanag niya.
Napili ni Liza na sa Alabang magbukas ng bagong negosyo dahil malapit ito sa bahay ng kasintahang si Enrique Gil.
“It’s because I’m always in the south when I visit Quen. I actually like to eat here because there’s a lot of nice restaurants din naman. The vibe in the
south is very chill, very relaxing and that’s what Hope Wellness is all about, it’s very relaxing. So Westgate is the perfect venue for it. So that’s why we
chose to open up here in Alabang before any other place,” pagbabahagi ng aktres.
Meryll apat na taon bago uli nakatrabaho si John Lloyd
Masayang-masaya si Meryll Soriano dahil nabigyan ng pagkakataon na muling makatrabaho si John Lloyd Cruz sa pelikulang Culion. Isa ito sa mga
pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2019 na mapapanood ngayong Kapaskuhan.
“From the very beginning, napaka-paramount kasi ng role ni John Lloyd sa character ko. It was a friendly request. Masaya kami na pumayag din siya. It’s
just one scene, sobrang ikli lang. But sobra siyang essential do’n sa character ko na si Ditas. Maiintindihan ng lahat kung bakit gano’n ‘yung character
niya from the very beginning. Kasi ‘yon pala ‘yung story. He’s somebody from the past ni Ditas na iniwanan niya,” nakangiting pahayag ni Meryll.
Matagal nang magkaibigan sina John Lloyd at Meryll at huling nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang Honor Thy Father mahigit apat na taon na ang
nakalilipas. “It’s such a great relief na siya ‘yung gumawa ng eksenang ‘yon because I miss him. Kaibigan ko siya, so napakaimportante sa akin as an
actor na ‘yung makakasama ko do’n in that short scene is someone that I trust and I love. So nasiyahan ako na pumayag siya. Talagang excited ang lahat
na ipakita na kasama siya sa film,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)
- Latest