Nag-storycon na ang bagong musical show ng GMA-7 na All Out Sunday. Actually, may mga pangalan ng Kapuso stars na kaming nabasa na kasama sa
show at kaya nalaman dahil nag-post ng logo ng show ang mga kasama.
Nabasa namin ang pangalan ni Miguel Tanfelix, pero wala ang pangalan nina Bianca Umali at Ruru Madrid. Hindi ba sila kasama sa show?
Matatandaang magkakasama sina Ruru, Bianca at Miguel sa Sunday Pinasaya hanggang umalis si Miguel at inilipat siya sa Studio 7.
Napansin din namin na karamihan sa performers ng Studio 7 ay nasa All Out Sunday, kaya malamang, tsutsugihin na ang Studio 7 at i-focus na ng net
work ang energy nila sa All Out Sunday.
Sharon ipapa-demolish ang bahay
Hindi naiwasang mainis ni Sharon Cuneta habang nagde-decorate ng kanilang Christmas tree dahil nadiskubre na ang Christmas ornaments na inilagay
nila sa isang storage, may mga nabasag. Muntik daw siyang maiyak nang makita ang Christmas ornaments na ilang taon nilang inipon, tapos, basta na
lang inilagay sa kahon na hindi inayos.
Sa una niyang post, excited pa naman si Sharon na i-decorate ang Christmas tree na real pine tree at bigay ng owner ng S&R at Puregold. Nasira lang ang
mood ni Sharon nang makita ang Christmas ornaments sa kahon.
Dahil sa Christmas tree at Christmas ornaments, nakapagkuwento tuloy si Sharon na ‘yung bahay nila sa Wack Wack Village at kanilang ibenenta at ang
bahay sa Sta. Rosa, Laguna ay kanilang ipina-demolish para patayuan ng mas malaking bahay.
Nagawa pa rin namang ni Sharon ang kanilang Christmas tree sa tulong ni Sen. Kiko Pangilinan at mga anak na sina Miel at Miguel. May sarili ng bahay si
KC Concepcion at si Frankie Pangilinan nasa New York.
Rodjun at Dianne tuloy ang pagraket kahit busy sa kasal
Ang pilyong sagot ni Rodjun Cruz na “in 2 weeks para 2020 meron na kaming baby” sa nag-comment na malapit na ang kasal nila ni Dianne Medina. Na
tawa tuloy ang ibang followers na nakabasa sa short convo nina Rodjun at ng kanyang kaibigan.
Sa December 21 na ang church wedding nina Rodjun at Dianne sa Manila Cathedral at ang nakakatuwa, tuluy-tuloy ang trabaho ng dalawa.
Before and after the wedding, tuluy-tuloy din ang pagtanggap ng dalawa ng offers at hindi nila itinatanggi na kailangan nila ng trabaho dahil magsisimula
silang magbuo ng pamilya.