Mga artista sa Miracle… bida lahat
SEEN: Misleading ang mga balita na lumalabas sa social media tungkol sa pagpanaw ni Mico Palanca. Sumakabilang-buhay si Mico noong December 8
pero na-identify lamang ang katauhan niya ng isang kamag-anak noong December 9 at ito ang araw na nalaman ng publiko ang malungkot na balita.
SCENE: Ibuburol ang bangkay ni Mico Palanca sa Arlington Memorial Chapels. Hinihintay lamang ang pagdating ngayon, December 11, mula sa Amerika
ng kanyang nanay na si Pita Revilla-Hocson.
SEEN: Ang igalang ang kanilang privacy sa panahon ng pamimighati ang tanging hiling ng naulilang pamilya ni Mico Palanca sa official statement na
inilabas nila.
SCENE: Tumanggi ang San Juan City Police na magbigay ng pahayag tungkol sa pagkamatay ni Mico Palanca. Ang magpunta nang personal sa kanilang
station ang sinasabi ng San Juan City Police sa mga reporter na tumatawag sa landline nila at nagtatanong tungkol sa death case ng 41-year old actor.
SEEN: Magagaling umarte ang mga aktor na co-star ni Aga Muhlach sa Miracle in Cell No.7 kaya may katwiran si Aga nang sabihin nito na bida silang
lahat sa pelikula nila na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival.
SCENE: Puwedeng magkaroon ng nominasyon sa best supporting actor category sa Gabi ng Parangal ng MMFF sina John Arcilla, Joel Torre, Tirso Cruz
III, JC Santos, Soliman Cruz, Mon Confiado at Jojit Lorenzo dahil sa pagganap nila sa Miracle in Cell No.7.
SEEN: Basang-basa ng luha ang mga mata ng nanood ng special screening ng Miracle... sa VIP Cinema ng Fishermall noong Lunes, dahil sa mga
makabagbag-damdamin na eksena ng pelikula. Dumalo si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas sa special screening nito at
nagustuhan ni Alfred ang pelikula at ayon sa kanya, ang magkaroon ng role na tulad ng karakter na ginampanan ni Aga ang pangarap ng bawat aktor na
kagaya niya.
- Latest