Mga naghintay sa Miss U nalungkot!
SEEN: Si Miss South Africa Zozibini Tunzi ang successor ni Catriona Gray bilang Miss Universe. Si Tunzi ang ikatlong babae mula sa South Africa na nanalo ng Miss Universe crown.
SCENE: Hindi scripted ang wrong announcement ni Steve Harvey na si Miss Philippines Gazini Ganados ang nanalo sa Best in National Costume dahil nilinaw ito ng Miss Universe Organization. “Steve Harvey had it right. Gazini Ganados is the winner of the Miss Universe 2019 National Costume competition,” ang paglilinaw ng Miss Universe Organization.
SEEN: Inulan ng mga batikos ang Miss Universe Organization dahil sa “injustice” na ginawa nila kay Gazini Ganados. Si Miss Malaysia ang ininterbyu ni Steve Harvey bilang winner ng Best in National Costume.
SCENE: Si Steve Harvey ang emcee ng coronation night ng 68th Miss Universe sa ika-limang pagkakataon pero boring na ang kanyang mga paulit-ulit na litanya.
SEEN: Malungkot ang mga Pilipino sa pagkatalo ni Gazini Ganados sa 68th Miss Universe. Masyadong umasa ang mga Pilipino na magkakaroon ng back-to-back win sina Catriona Gray at Gazini na halatang kinabahan dahil nabulol ito sa introduction speech ng Top 20 candidates.
SCENE: Sa kahuli-hulihan na pagkakataon, ginamit ni Catriona Gray ang Mikimoto crown ng Miss Universe na pinalitan ng Mouwad crown na unang isinuot ni Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi. Nagkakahalaga ng US$5 million ang bagong korona ng Miss Universe.
SEEN: Emosyonal si Catriona Gray sa kanyang farewell walk dahil hindi siya makapaniwala na tapos na ang Miss Universe reign niya. Inaasahan ang pagbabalik ni Catriona sa Pilipinas sa linggong ito matapos ang halos isang taon na pamamalagi niya sa New York.
- Latest