Ang dinig namin, sa March 2020 pa ang airing ng First Yaya, ang teleserye na pagsasamahan nina Gabby Concepcion at Marian Rivera, pero this Monday na, kukunan ang plug shoot ng teleserye.
In fact, ang sabi, wala pa ring napipiling director ang GMA-7 na magdidirek ng First Yaya na light ang concept.
Natatandaan namin, sa mga naunang interview kay Gabby, noong bagong pirma niya ng kontrata sa Kapuso Network at tinanong kung sino ang gustong makapareha, isa sa kanyang nabanggit si Marian.
Ngayong all is well kina Popoy at Marian, wish ng supporters ng aktres na after Gabby, si Tom Rodriguez naman ang makasama ni Marian at sa susunod, sila uli ni Dennis Trillo.
Carmina nag-promote sa EK
Ang pasasalamat ni Carmina Villarroel sa Enchanted Kingdom dahil pinayagan silang mag-promote ng MMFF entry nilang Sunod movie. Jackpot si Carmina dahil Sunday kahapon, maraming tao sa EK at siguradong may nakumbinse siyang panoorin ang movie kapag ipinalabas na starting December 25.
Kasamang pinasalamatan ni Carmina ang asawang si Zoren Legaspi at sina Mavy at Cassy na sumama sa kanya sa EK. Na-appreciate ni Carmina ang suporta ng kanyang pamilya sa pagpo-promote nang pagbabalik niya sa paggawa ng horror movie.
Nakakatakot ang Sunod, ibang klaseng takot ang feel na bigay ng movie kahit trailer pa lang ang napapanood at dahil ito sa direction ni Carlo Ledesma.