Xia muntik maudlot sa Miracle…
SCENE: Foul para sa mga kaibigan ng pamilya ni Marlon Stockinger ang tsismis na umasa kay Pia Wurtzbach si Marlon at ang pamilya nito. Bank owner sa Switzerland ang lola ni Marlon at suportado niya ang expensive sport ng kanyang apo.
SEEN: Ilusyon lamang ng mga bakla ang pagiging babae nila ang tahasan na pahayag ni Ricky Reyes na hindi naniniwala sa same sex marriage dahil sa mataas na respeto niya sa Diyos at sa Roman Catholic church. Forty-seven years nang nagsasama si Ricky at ang kanyang partner na si Cris Aquino kahit hindi sila kasal.
SCENE: Pinangunahan kahapon ni Ricky Reyes ang inauguration ng Share The Love in Child Haus, ang Christmas bazaar ng Child Haus sa harap ng Cinema 11 ng SM North Edsa. Mga produkto na gawa ng mga nanay ng mga bata na may sakit na kanser at naninirahan sa Child Haus ang mabibili sa murang halaga sa Christmas bazaar na joint project nina Ricky at Hans Sy ng SM. Si Karylle ang special guest sa opisyal na pagbubukas nito kahapon. Matagal nang benefactor si Karylle ng Child Haus.
SEEN: Suportado ng mga miyembro ng Christ’s Commission Fellowship ang Kaibigan, ang pelikula na pinagbibidahan ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin kaya palabas pa rin ito sa mga sinehan. Salat sa katotohanan ang balita na na-pull out sa movie houses ang Kaibigan.
SCENE: Muntik nang hindi matuloy ang participation ni Xia Vigor bilang anak ni Aga Muhlach sa Miracle in Cell No.7 dahil hindi siya bagay na gumanap bilang young Nadine Lustre. Nang mag-back out si Nadine sa project, si Bela Padilla ang ipinalit sa kanya. Parehong mestiza sina Bela at Xia kaya ang child actress ang final choice bilang anak ni Aga. Si Janine Teñoso ang umawit ng Tag-Araw, isa sa mga theme song ng... at nag-recording din si Katrina Velarde ng sariling kanta para sa filmfest movie ni Aga Muhlach.
- Latest