Finally ay nag-react na si Angel Locsin sa pagkakasama niya sa listahan ng Philanthropy List ng Forbes Asia.
Kinilala ng Forbes Asia si Angel sa kanyang mga pagtulong / kawanggawa sa mga nasalanta ng iba’t ibang kalamidad sa buong bansa. “I never thought @ForbesAsia would ever mention my name, lol. Thank you! Filipinos have always been known for “bayanihan”. I’m nowhere near from being a billionaire, but I try my best to do my part in my own little way. I hope this would inspire other people to help as well,” tweet ni Angel kahapon.
Kahilera ng Kapamilya actress sa nasabing recognition ang mga bilyonaryong negosyanteng philantropist kabilang na si Jack Ma.
Sila lang ni Mr. Hans Sy ang kasamang Pinoy sa nasabing listahan na binubuo ng 30 names.
Sinasabing P15 million na ang nai-donate ni Angel.