“Alam din ito ng management ng ABS-CBN na uunahin namin ang budget at tsaka mga revenue bills, pero we have more than enough time to tackle it in January, February dahil March pa naman ‘yung expiration ng franchise,” sabi kahapon ni House Speaker Alan Peter Cayetano matapos ngang lumabas ang statement ni President Duterte na hindi niya papayagang makapag-renew ng franchise ang ABS-CBN na magtatapos na sa March.
Hanggang sa sinusulat ito ay wala pang official statement ang Kapamilya Network tungkol sa naging pahayag ni Pres. Digong.
Habang nagti-trending naman #notoabscbnshutdown.