Vivian Velez nagsalita sa nangyari sa Luna Awards!

Glaiza and Vivian

Kasisimula pa lang ni Vivian Velez bilang Director General ng Film Academy of the Philippines, may isyu na agad na nagsimula sa katatapos lang na Luna Awards.

Nakakaintriga na kasi iyung last minute na pag-backout ni Vivian sa Luna Awards. Siya sana ang magbibigay ng welcome remarks, na inatas na lang kay Ms. Boots Anson-Rodrigo.

Napapag-usapan na ito kamakailan lang na tila hindi pabor si Vivian sa pakikipag-partner ng FAP sa FDCP sa Luna Awards.

Pero commitment na ito ng dating director-general na si Leo Martinez.

Maaaring ito ang isa sa dahilan kung bakit hindi sumipot si Vivian sa naturang awards night.

Kahapon ay naglabas na ang bagong director-general ng FAP ng statement sa kanyang Facebook account.

Narito ang bahagi ng naturang statement; “The Film Academy of the Philippines (FAP) was established in 1981, mandated to promote film worker careers, advocacies, work relations, among many things. Likewise, FAP was tasked to recognize superlative performances by its members through the Luna Awards, which is considered by many as the pinnacle of all Philippine film industry awards.

“But the FAP became a fallen angel of late and has been reduced to menial work, bordering charity, and entitlement. It functioned through donations, mostly from the Metro Manila Film Festival (MMFF) which FAP has had a hard time and a rough relationship with, unable to collect remittances from which resulted in cash flow issues for the academy. This is not an indictment on the MMFF but the anemic leadership demonstrated by FAP which gave up on its mandate altogether. This weakness resulted in the expulsion of FAP in the ExComm of the MMFF.

“Another recent example is the abrogation of the then FAP leadership of its prestigious Luna Awards to the Film Development Council of the Philippines (FDCP), a partnership that has never been clearly communicated to us—the new administration of the FAP. It appears that the main responsibility of overseeing the preparations and all the processes for nomination and selection of winners for the 2019 Luna Awards has been given to the FDCP, which is a clear violation of FAP’s mandate.”

As of presstime, hinihintay pa namin ang sagot ni Liza Diño sa statement na iyun ni Vivian.

Hindi raw siya aware sa statement na iyun.

BF ni Glaiza gustong makisosyo sa kanyang negosyo

Nakatsikahan namin sa GMA Christmas party para sa media si Glaiza de Castro nung isang gabi at ikinuwento niyang kasal pala ng kapatid niyang si Alchris Galura nung nakaraang Sabado, kaya hindi siya nakadalo sa katatapos lang na Luna Awards.

Naiyak nga raw siya dahil ang laking achievement nga raw ito sa kanya bilang aktres dahil mga kasamahan daw niyang artista at nasa movie industry ang pumili sa kanya sa award na ito.

Bale pangatlong Best Actress na itong natanggap niya mula sa kanyang epektibong pagganap sa pelikulang Liway.

Gustung-gusto pa naman daw niyang dumalo sa Luna Awards, pero nakasabay nga ang kasal ng kapatid niya na ginanap sa resorts nila sa Baler.

Napag-usapan na rin lang ang kasal, ipinagkibit-balikat na lamang ng Kapuso actress nang sinundan namin ng tanong kung napapag-usapan na rin ba nila ng Irish boyfriend niyang si David Rainey ang wedding plans.

“Napapag-usapan naman namin ‘yung mga medyo seryosong topic pero hindi pa muna sa kasal,” pakli ng Kapuso actress.

Mas naka-focus daw muna sila ngayon sa negosyo na tila type din ng boyfriend niyang makisosyo at mag-invest dito sa bansa.

Mukhang kasama si Glaiza sa bagong musical-comedy variety show ng GMA 7 na ipapalit sa Sunday Pinasaya.

Show comments