Juday, hindi makapaniwala sa natanggap na International award

Juday

Isang malaking karangalan para kay Judy Ann Santos na nagwagi bilang Best Actress sa 41st Cairo International Film Festival kamakailan. Napanalunan ng aktres ang naturang award para sa pelikulang Mindanao sa direksyon ni Brillante Mendoza. “Sine-share ko ‘yung award na ‘to sa buong Pilipinas. Kasi finally after so many years, nakilala uli ang mga Pilipino at buong Pilipinas sa Cairo International Film Festival. Nakaka-proud na I was able to do this for our country,” nakangiting bungad ni Judy Ann.

Hanggang ngayon ay hindi pa halos makapaniwala ang premyadong aktres na siya ang nakasungkit ng naturang award. “Hindi pa rin talaga ako makapaniwala thinking finally I was able to receive an award as an international actress,” dagdag pa niya.

Hindi raw masyadong nahirapan si Juday habang ginagawa ang pelikula dahil magaang katrabaho ang production team ng kanilang pelikula.

Ang Mindanao ay isa sa mga kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2019 ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Judy Ann ay kailangang mapanood ng bawat pamilyang Pilipino ang isang makabuluhang proyekto katulad nito. “With our Muslim brothers and sisters, with our country, sa struggles ng isang ina na may cancer ang anak. Truth be told, ‘pag umuuwi ako galing sa shoot namin, lagi ang bigat ng puso ko kasi masyadong realistic ‘yung pagkakagawa ni Brillante Mendoza ng pelikula,” pagbabahagi ni Juday.

Liza, confident sa pagda-darna Ni jane

Liza

Kamakailan ay nagkita at nakapag-usap na sina Liza Soberano at ang pinakabagong gaganap bilang Darna na si Jane de Leon. Pinayuhan ni Liza ang dalaga kung paano dapat paghandaan ang pinakaaabangang proyektong ipinagkatiwala sa kanya. “I shared with her the journey that I had to go through in preparation for the character. And I just gave her words of encouragement and kind of parang like a pep talk on what to look forward to about the role and everything,” kwento ni Liza.

Jane

Ayon kay Liza ay talagang bagay na bagay kay Jane ang role at naniniwalang mabibigyan ng hustisya ng baguhang aktres ang pagganap ng Darna sa pelikula. Matatandaang si Liza dapat ang gaganap bilang Darna pero kinailangang magbitiw ng aktres dahil sa tinamong aksidente sa daliri habang ginagawa ang teleseryeng Bagani. “She’s really a nice girl and she’s very down to earth and I think she fits the role. I have no doubt that she can pull it off. When I was currently onboard with the project, everybody would always make me feel welcome, all the previous Darnas. I’m sure that they’ll all do the same with her because she’s equally as deserving,” giit ng aktres.  (Reports from JCC)

Show comments