James hindi pa nakaka-settle sa ‘bagong’ career
Kamakailan ay umalis na si James Reid sa pamamahala ng VIVA Artists Agency. Aminado ang aktor na nahihirapan pa siya ngayon na magkaroon ng mga proyekto mula nang umalis sa naturang talent agency.
Matagal-tagal na ring hindi nakakatambal ni James ang kasintahang si Nadine Lustre na nasa pamamahala pa rin ng VIVA
“In the pipeline, no, not right now. Since I left VIVA, it’s been difficult. We’re waiting for things to settle down so we can work out how we can work together in the future. Currently, yes, I admit it’s challenging. But we’re trying to work things out. It’s very difficult to talk about it right now. But we’re just waiting for everything to be settled until we can work out how we can work together in the future. But for sure me and Nadine are good. We’re definitely going to work together in the future,” pagtatapat ni James.
Ayon sa aktor ay hindi imposibleng magkatambal silang muli ni Nadine sa isang proyekto. “There’s no reason for us not to work together,” giit ng binata.
Sa kasaluyukan ay abala si James sa Reid Entertainment, Inc. na pagmamay-ari ng aktor. May sarili na ring record label ang binata na pinangalanang Careless Music Manila.
Dimples, nagpaplanong makapagtapos ng college
Sa edad na 35 years old ay nangangarap pa rin si Dimples Romana na makatapos ng kolehiyo. Kumuha noon ng kursong Tourism ang aktres sa University of Santo Tomas pero nakatatlong taon lamang.
Nakadalawang taon din si Dimples sa kursong Culinary sa Enderun Colleges.
“It’s always my frustration to finish my studies kasi when I came back from Enderun, that was around the time I thought I could finish it. But then ‘One More Chance’ came along and it was such a big role that I couldn’t pass it up. Pero ang saya lang because I got to have good friends sa network. ‘Yung pagluluto dati natuto ako sa kusina. Mas technical na ngayon kasi naturuan na ako. ‘Yung Tourism naman, ‘yung mga lifetime friends ko coming from UST lahat,” nakangiting pahayag ni Dimples.
Mas pinili ng character actress na ipagpatuloy muna ang trabaho noon upang makatulong pa rin sa mga kapatid at ina kahit may sarili ng pamilya.
“Nagkaroon ako ng choice noon. Patapos ‘yung kapatid ko noon ng Nursing, kahit nagkapamilya na ako, napakabait ng asawa ko dahil hinahayaan niya akong magbigay pa rin sa pamilya ko. May college pa kasi akong kapatid eh. So may mga pagkakataon na uunahin mo ‘yung pagiging ate mo. So dahil alam ko na no’ng nag-i-school ako mahihirapan kami na mapag-aral ng Nursing ‘yung kapatid ko kaya siya muna ‘yung sinuportahan ko,” paliwanag niya.
May ilang mga negosyo na si Dimples kaya kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong kumuha ng kurso ng aktres na may kinalaman sa pagnenegosyo.
“Hindi nawawala sa plano ko na mag-aral. I might just do Business Administration para magamit ko rin. Gagawin ko na dapat ‘yan after Bagani kaso iba ang plano ni Lord eh. Birun mo kung hindi ko tinanggap ‘yung Kadenang Ginto, walang Daniela,” pagbabahagi ng aktres. Reports from JCC
- Latest