Manila nabuhay!

SEEN: Si Lani Misalucha ang umawit ng Philippine National Anthem sa opening ceremony ng 30th SEA Games sa Philippine Arena noong Sabado, November 30. Isa si Lani sa mga favorite singer ni President Rodrigo. Minsan nang nakipag-duet ang pangulo kay Lani sa isang baptismal reception noong August 2019.

SCENE: “I did what I had to do and did it my way!” ang reaksyon ni Robert Seña sa mga komento na natatanggap nito tungkol sa kanyang solo performance sa opening ceremony ng 30th SEA Games. Hindi nagpaapekto si Robert sa negative comments mula sa mga tao.

SEEN: Proud na proud si Isay Alvarez para sa kanyang asawa na si Robert Seña dahil sa solo performance nito.

“Ang laki ng stage at mag-isa niyang binati ang mga delegado,” ang sabi ni Isay na hindi rin nagpaapekto sa negative reactions.

SCENE: Marami ang nanghihinayang dahil walang acknowledgement kina Miss World 2013 Megan Young at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach nang maging muse sila ng mga delegate sa opening ceremony ng 30th SEA Games.

SEEN: Muling sumikat ang 1972 hit song na Manila dahil ito ang pinatugtog nang ipakilala ang Philippine athletes sa opisyal na pagbubukas ng 30th SEA Games noong Sabado. Ang Hotdog ang nagpasikat sa Manila.

SCENE: Hindi napigilan nina President Rodrigo Duterte at Senator Ronald “Bato” dela Rosa na mapaindak nang marinig nila ang Manila dahil bahagi ito ng kabataan nila. 27 years old si President Rodrigo nang sumikat ang Hotdog at ang Manila noong 1972.

Show comments