Tisoy gustong ‘ulanin’ ang SEA Games
Naku ‘wag naman sanang tumodo ang bagyong Tisoy ngayong nakapasok na ito sa Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa mga report, magbibigay ito ng malakas na ulan at thunderstorms accross Luzon na nataon sa pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games.
Mas magkaka-problema ang organizers pag nagkabaha pa. Eh kagabi lang ginanap ang opening ceremonies na buti na lang at sa loob ng Philippine Arena na talaga namang pasabog ang mga production number habang si Lani Misalucha ang umawit ng Lupang Hinirang.
Si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach naman ang rumampang muse ng Team Philippines kasama ang halos 1000 Pinoy athletes habang pini-play ang kantang Manila.
#WeWinAsOne.
- Latest