Ginto bawat oras Dr. Boy pinaka-masarap kasama sa trabaho!

Boy

Noong Biyernes ang contract signing ni Dr. Boy Abunda Jr. sa Greenhills  bilang spokesperson ng AMA Online Education for post-graduate courses.

Biniro ko si Boy na bongga siya dahil meron nang Dr. na naka-affix sa name niya pero Boy Jr. pa rin.

Isa si Kuya Boy sa mga pinaka-masarap na kasama sa trabaho. Kahit mas matanda ako, nakasanayan ko nang tawagin siya na Kuya Boy dahil ito ang term of endearment ko sa kanya.

Idol ko si Kuya Boy sa pagsasalita, sa hosting, sa kanyang good management skill at sa PR niya.

Team player siya kaya talagang gustung-gusto siya ng co-workers niya.

Wala siyang attitude problem, parang tatay ng grupo at very funny sa pakikipag-usap niya sa staff at crew.

Sobrang sipag ni Kuya Boy na parang ginto ang bawat oras at  sobra ang  energy niya na dahilan  kaya multi- tasker siya.

Karagdagan si Kuya Boy sa prestige ng AMA, at sure ako na enjoy sila ni Ferdie Sia kapag nag-uusap.Very English ang usapan nila  kaya hindi ako join  dahil baka dumugo lang ang ilong ko. Joke lang.

Magaling  talaga ang AMA Online Education na malaking tulong sa working students at sa mga gusto na makatapos ng pag-aaral pero kapos sa oras na  pumasok sa isang regular school.

Magaling ang sistema ng AMA Online Education sa pag-analyze ng mga student na dapat gabayan para magkaroon ng diploma.

Maganda rin ang  choice nila to get Boy Abunda na isang magandang example ng tao na very hectic ang schedule pero nakatapos ng masteral at doctoral degrees.

Mahirap nakawin ng ibang mga tao ang laman ng mga utak natin kaya pinakamahalaga sa lahat na magkaroon ito ng laman sa pamamagitan ng edukasyon.

You cannot teach what you don't know, kaya kung gusto mo na may mga  sumunod sa sinasabi mo, ipakita mo na may alam ka at hindi na ito mahirap gawin dahil puwede ka nang  matuto sa pamamagitan ng online education ng AMA.

Take it, give yourself a chance to learn more. Go to AMA, ‘di ba Ferdie Sia?

Siyanga pala, si Kuya Boy ang nag-training kay Gazini Ganados, ang Philippine bet sa Miss Universe na magaganap sa December 8 sa Georgia, Atlanta.

May mga nega na nag-aalaala para kay Gazini dahil hindi raw ito articulate na kagaya ni Miss Universe 2019 Catriona Gray pero confident si Kuya Boy na kayang-kaya ni Gazini ang lahat ng pagsubok.

Bago pumirma si Kuya Boy ng kontrata sa AMA Online Education, inusisa muna siya ng entertainment press tungkol kay Gazini.

Buong ningning na sinabi ni Kuya Boy na palaban si Gazini at learner ito kaya tiyak na malaki ang laban niya sa Miss Universe kahit marami ang nagsasabi na imposible na mangyari ang back-to-back win.

Naging estudyante rin ni Kuya Boy sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray bago nag-join ang dalawa sa Miss Universe noong 2015 at 2018, respectively.

Show comments