Maganda ang upcoming project ng GMA 7 na pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion.
Mabuti naman naisip na ni Marian na magbalik sa paggawa ng teleserye dahil ang dami nang nakaka-miss na mapanood siya every night.
Sana nga, mga light lang na tema ang gawin ni Marian dahil mahusay siya sa comedy at may tiyempo sa comedic lines.
Maganda rin ang magiging chemistry nila ni Gabby dahil pareho sila na mga goodlooking kaya tiyak na okey ang kumbinasyon nila sa screen.
Bongga ang line up ng incoming shows ng GMA 7 at dahil marami na rin ang stars na puwedeng pagsamahin, naisip ng mga bossing ang kumbinasyon na Marian at Gabby.
Nice one, exciting. Mukhang gumagana na mabuti ang think tanks ng Kapuso Network kaya nagkakaroon ng more exciting projects.
Go go GMA 7, bongga talaga.
Barretto sisters solid na solid noon
Follower pala si Marjorie Barretto ng Instagram account ko. Biglang pumasok sa isip ko si Marjorie at ang kanyang mga kapatid na sina Gretchen at Claudine.
In fairness, nakita at nasubaybayan ko rin ang paglaki ng Barretto sisters. Bagong Regal baby pa lang noon si Gretchen at sumasama si Marjorie sa Mommy Inday nila kapag binabantayan nito ang anak na unang nag-artista sa kanilang pamilya.
Then may kasama na sila na dalagita na si Claudine naman at hindi pa complicated noon ang buhay ng magkakapatid na pare-pareho na sweet and polite girls.
Hanggang lumaki sila, Gretchen is nice every time I see her, si Claudine, siya ang unang bumabati at si Marjorie kahit nasa medyo malayo tayong lugar Salve sa Paris wedding nina Dr. Hayden at Dra. Vicki, lumapit at bumati siya sa atin.
Magkakasama rin kami ni Marjorie sa retreat ng Oasis of Love Community noong 1994 kaya may pinagsamahan kami, spiritually speaking.
Batchmates namin sina Ruffa Gutierrez, Veronique del Rosario at ang ibang former members ng That’s Entertainment. Ang saya-saya namin noon dahil sama-sama kaming umakyat at bumaba mula sa Baguio City, sakay ng isang malaking bus.
Those were the days na every week, nagkikita-kita kami sa aming mga prayer meeting hanggang maging busy na ang lahat sa kanilang respective careers.
I feel sad na naging kumplikado at magulo ang dating maayos at maganda na relasyon ng Barretto sisters.
To think na very close sila sa isa’t isa habang lumalaki at super solid ang pagiging sisters nila kaya nakapagtataka kung bakit at kailan ito nag-deteriorate?
So sad dahil kung kaibigan ka nila, ayaw mo na mag-take side dahil alam mo in the end, blood will always be thicker than water.
Kung ano ang totoo at kung sino ang nagsasabi ng totoo, in the end bale-wala na ‘yan. What would matter will be “We are family. We should always be one” at sana, mangyari ito habang buhay pa si Mommy Inday na tiyak na affected sa mga nangyayari sa kanyang mga anak.