Gabay kalikasan inilunsad!

Seen: Ang Gabay Kalikasan Sustainability ang bagong advocacy ng PLDT-Smart group sa pangunguna ni PLDT Chairman and CEO Manuel V. Pangilinan na nagbitaw ng salita na ipagbabawal na niya ang mga plastic sa kanyang kompanya. “ Let’s do our share in moving, in taking action against climate change and let’s create hope for a better future for our people,” ang ilan sa mga pahayag ni MVP sa grand launch ng Gabay Kalikasan.

Scene: Si PLDT SVP and Group Controller at Smart Chief Financial Officer Chaye Cabal-Revilla ang hinirang ni MVP bilang Chief Sustainability Officer ng Gabay Kalikasan SEEN: “We will all invite everybody to participate. Today is just the beginning. The sustainability office will create some awareness and information boards.  Ang climate change and environment will affect everything, health natin, ‘yung mga pollution,” ang sabi niya. Kasabay ng grand launch ng Gabay Kalikasan ang unveiling ng mga mural sa paligid ng PLDT buildings. Isa si Pops Fernandez sa mga sumuporta sa programang Gabay Kalikasan.

Seen: Maglalagay ang PLDT at Smart ng mga #SmartPlanet booth at phone recycling bin. Ang #SmartPlanet ang mobile recycling program ng Gabay Kalikasan na tatanggap ng mga luma at hindi na ginagamit na  cellphones, tablets at chargers, kapalit ang mga freebie tulad ng cellphone loads mula sa PLDT-Smart.

Show comments