Rap Abala sa pagre-restore ng mga litrato’t pelikula ni Daboy

Rap & Lorna

Ngayon ko naintindihan ang ibig sabihin ni Rap Fernandez na by restoring the mo­vies and compiling the photos of his father Rudy, parang ibinabalik niya sa kanyang alaala ang mga moment nila together, Salve.

True nga na kapag nakikita ko ang old pictures namin ni Rudy, nagpa-flash sa isip ko ang mga okasyon na magkakasama kami kaya melancholia talaga na may kurot sa puso at utak.

While sorting out especially ang mga photo nila ng father niya noong bata pa siya, may mga nare-recall siguro si Rap na moments.

Talagang napuyat si Rap sa pag-aayos dahil thousands of photos ang kanyang ina­yos dahil ang hilig-hilig ni Rudy sa picture-picture na kodakan kung tawagin noon.

Kodakan dito at kodakan doon ang nangyayari dahil madalas na may dala si Rudy na camera sa mga event na pinupuntahan niya at sa mga bakasyon nila ng kanyang pamilya.

Ang sabi ni Rudy, dapat i-treasure at ilagay sa album ang mga moment na ganoon. No wonder, napakarami ng memorabilias na naiwan niya.

Hanggang sa honeymoon nina Rudy at Lorna Tolentino sa Hawaii, kasama ako dahil ang sabi nga ni Rudy, sharp ang memory ko kaya sure siya na maaalala ko ang things na makakalimutan niya.

Ang naalala ko, nag-away kami ni Alfie Lorenzo dahil after two days sa Hawaii, umuwi na ako dahil ang feeling ko, nakakaabala kami sa honeymoon nina Rudy at Lorna.

Gusto pa rin ni Alfie na mag-stay sa Hawaii pero ako pa rin ang nasunod no? Bongga, may bodyguard sa honeymoon.

Susan

‘Kabaitan ng mga rich asian nakaka-touch’

Touching talaga para sa akin kapag ang mga tao na nakakaalala, bumabati at sincerely cares for me kahit alam ko na very busy nila, napakataas ng kinalalagyan at iba talaga ang level gaya nina Susan Co ng S&R at Puregolds, si Alice Eduardo na tinatawag na ‘wonder woman’ sa construction business at si Mang Erning Lim ng UltraMega na hindi mga taga-showbiz.

Ibang-iba ang mundo nila pero may oras sila para bumati at magpadala ng regalo.

My God, it really melt my heart. Imagine, wala naman silang mapapala sa akin at hindi naman sila showbiz para makatulong man lang sana ako.

Hindi ko rin iniisip na they need me for anything dahil mas influential at mas may mga koneksyon sila kaya sa mga ganitong moment, nagkakaroon ako ng more confidence o tiwala sa sarili ko.

Na-feel ko na may mga tao na gusto ako not because Lolit Solis ako kundi kung sino lang ako. Hindi ‘yung sinasabi ng mga basher ko na takot sila na siraan ko, na binigyan lang ako dahil nanghingi ako, na pinagbigyan lang ako dahil kailangan ako.

These people are more influential, they don’t need me, they just love me, I can feel it. Si Susan Co, very caring ang mga text, si Alice Eduardo laging may pagmamahal kapag kinukumusta ka at si Mang Erning Lim, phone pals na kami. My beautiful, kind, lo­ving, rich Asian friends. Salamat po, I am  so grateful for the friendship and love.

Show comments