Mag-aanim na taong gulang na ang panganay na anak nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na si Zion at mag-iisang taon naman ang bunsong si Kai.
Ayon sa aktor ay hindi siya ang tipo ng ama na sobrang istrikto sa kanyang dalawang anak na lalaki. “I’m not super strict. There’s boundaries, so I try not to be so strict. I try to let them be and let them decide and grow on their own. But we give them guidelines and boundaries,” nakangiting paglalahad ni Richard.
Kahit abala sa trabaho ay sinisikap umano ng aktor na maalagaan at matutukan pa rin sa araw-araw ang mga anak dahil importante ito habang lumalaki ang mga bata. “Now that Zion is six years old, ‘yan ‘yung age na crucial di ba? So you have to set discipline and kanya-kanyang ways lang naman kung paano mo idi-discipline ‘yung child. I think talking to them and making them understand is number one priority more than anything. As a brother, Zion is makulit, makulit siya ngayon pero he cares for his brother now more,” pagbabahagi niya.
Hanggang maaari ay ayaw ni Richard na pumasok din ang mga anak sa show business. Matatandaang nagsimula ang aktor at ang kakambal na si Raymond Gutierrez sa pagiging artista noong mga bata pa lamang. “He (Zion) enjoys singing, we’ll see. He’s still young so everything is like play time for him. Right now me and Sarah don’t really talk about it because we want him to focus on his studies and sports and different things. When the right time comes siguro,” pahayag ng aktor.
Jay hindi idini-deny ang karanasan sa bading
Aminado si Jay Manalo na nagkaroon na siya ng karanasan sa bakla noong kanyang kabataan. Mahigit dalawang dekada na sa industriya ang aktor ngayon. “Oo naman,” bungad ni Jay.
Para sa aktor ay hindi nangangahulugang bading na rin ang isang lalaking pumatol sa kapwa lalaki. “Sa tingin ko, kung tinatago niya o nagpapakalalaki siya tapos naramdaman niyang minahal niya ‘yung bading, ‘yon yun, baka itinago niya lang. Pero kung tunay na lalaki, na-in love sa bading, parang hindi totoo ‘yan. Hindi nangyayari ‘yon. Companionship na lang, parang hindi nangyayari at kung mayroon man, bibihira. Pero kung talagang na-in love siya, alam niya sa sarili niya na gano’n na rin siya. Pero ang tunay na lalaki, babae pa rin ang gusto niya,” makahulugang paliwanag ng aktor. (Reports from JCC)