Dimples pinaopera ang asawang malakas humilik

Naoperahan dahil sa paghilik ang asawa ni Dimples Romana na si Boyet Ahmee.

Kahapon nga bago siya dumiretso sa press launching ng latest endorsement niyang Juanlife, na isang personal accident insurance, ay nag-wifey duties muna siya sa mister na inoperahan the other day.

“Si Boyet, he has sleep apnea, severe sleep apnea, meaning, pag natutulog siya, pag nai-snore siya, dapat ‘wag natin ‘yung balewalain, ha?

“Di ba, minsan, iniisip mo, ‘grabe nang mag-snore ‘to,’ ginagawa pang katatawanan, di ba? ‘Yung ‘ang lakas mo na maghilik, grabe ka.’ Hindi maganda ‘yun, kasi nai-strain ‘yung heart mo, nahihirapan siyang huminga.

“So, si Boyet, tumitigil ‘yung heart niya pag (naghihilik),” kuwento ng actress kahapon sa ginanap na presscon sa Shang-rila EDSA.

“So, ayoko lang na wala ako sa bahay, hindi ko siya kasama, tapos, hindi ko siya magising. Ayoko ng ganu’n. So, always, prevention is better than cure,” sabi pa nito.

Successful ang operation ayon kay Dimples at base na rin sa IG post niya bago nga siya dumalo sa presscon.

“Buti na lang I am surrounded by good people. Praise God! Thank you mommy and Papa Boy for taking good care of Boyet. I don’t know what I would do without you, to the nurses and doctors and customer service representatives of  Ngayon pa Lang po nagpapasalamat na ako sa inyo,” sabi pa ng actress na laging nagpapa-thank you  kay Lord. Yup, as in talagang minsan daw sinasabi niya sa Diyos na ‘Lord baka naman may mangyayari na sa akin dahil sa sunud-sunod na blessings na dumarating.’

Oo nga at nakilala siyang kontrabida sa Kadenang Ginto, pero grabe naman ang dating ng biyaya sa kanya.

Sunud-sunod ang endorsement niya na ang pinaka-latest ay ang Juanlife na sa halagang 300 pesos o 500 pesos pwede ka nang magkaroon ng personal accident insurance at parang pre paid card lang na kailangan mong i-register.

Show comments