Nasimulan na ang shooting para sa pelikula ng talambuhay ni Arnel Pineda. Ayon sa lead vocalist ng Journey band ay sa Pilipinas din unang ipalalabas ang bagong proyekto sa susunod na taon. “As of now, hindi pa tapos. We’re still in the process of interview and shoot with John M. Chiu and the scriptwriter who made the movie Joker, si Scott Silver,” bungad ni Arnel.
Gusto raw ng producer ng pelikula na maging eksakto ang bawat detalye na dapat matunghayan ng mga manonood. “Ini-interview nila ako pero medyo marami pa kaming kailangan para mas detailed. Kasi medyo matagal na. So gusto nila detailed talaga. Ang gagawin kasi nila is from ‘yung start na bago ako maging member ng Journey band. Simula no’ng may sakit ang nanay ko, pinapaalis kami sa apartment, namatay ang mother ko, nagkahiwa-hiwalay kami. Hanggang sa napasali ako sa Journey,” pagdedetalye ng singer.
Kung si Arnel lamang ang masusunod ay mayroon na raw siyang naiisip na posibleng titulo para sa kanyang biopic film. “Parang maganda siyang gawin na ‘Crazy Little Asian.’ Kasi ‘Yung una ‘Crazy Rich Asian,’ dahil hindi naman ako rich, litte Asian na lang, pwede di ba?” natatawang pagtatapos niya.
Piolo at Inigo, madalas mag-bonding sa training
Kahit kabi-kabila ang ginagawang proyekto ay hindi naman daw nakalilimutan ni Piolo Pascual na mag-workout. Masayang-masaya si Piolo dahil parami nang parami ang lumalahok sa kanyang SunPiology na nagdiriwang ng ika-labing isang anibersaryo ngayong taon. “It’s thriving and growing. A lot of people are becoming more aware. We’re doing this because we really want to raise awareness and this is the best way to invite people to become healthier. I don’t want to compete. I just really want to take my time and enjoy the race, I just enjoy the view, the sunrise,” nakangiting pahayag ni Piolo.
Regular na nagpapapawis ang aktor upang mapanatiling maayos ang kanyang kalusugan. Abala man sa dami ng trabaho ay talagang sinisikap ni Piolo na magpapawis kapag mayroong pagkakataon.
Madalas ding nakakasama ni Piolo ang anak na si Inigo Pascual sa ginagawang training. Isa na rin ito sa mga nagsisilbing quality time na magkasama ang mag-ama. “Whenever we’re together, wala siyang choice. He has to run with me. He has to train with me. We do boxing together. Every time we get a chance to be together, I tell him to train with me,” pagbabahagi ng aktor. (Reports from JCC)