Si Yam Concepcion ang napiling pumalit kay Erich Gonzales para sa teleseryeng Love Thy Woman na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.
Matatandaang tumatak ang karakter ni Yam bilang si Jade sa teleseryeng Halik. “Siyempre ang saya ‘di ba? At least meron ng next project kaagad. Another challenge for me ito. Parang ito’y malaking blessing for me, na I learn more also about the craft. I get to work with new people, with new artists. Mga batikan ‘yung makakatrabaho ko dito,” nakangiting bungad ni Yam.
Bukod sa tambalan ng Kim-Xi ay makakasama rin ng sexy actress sa naturang proyekto ang ilan pang mga tinitingala sa industriya. “Imagine ‘yung mommy ko si Ms. Eula Valdez, tatay ko si Mr. Christopher de Leon. First time ko din makakasama si Kim Chiu, ‘yung tambalan nila, so exciting siya. Zsa Zsa Padilla is also part of it and a lot more,” pagbabahagi ng dalaga.
Ayon kay Yam ay ibang-iba ang kanyang karakter sa bagong serye kumpara sa kanyang mga nagawa na noon. “Dito naman medyo bida-kontrabida siya, joke. Ayoko naman pangunahan, kasi di pa naman natin alam kung anong mangyayari do’n sa story. Pero so far we’re taping week one and two na ngayon,” paglalahad ng aktres.
Kahit naging second choice lamang ay hindi naman daw nakaramdam ng pressure ang dalaga upang magampanan ang ipinagkatiwalang role.
Bilang paghahanda ay kinailangan daw panoorin ni Yam ang video blogs ni Heart Evangelista. “Hindi ako nag-isip ng gano’n na baka ma-pressure ako and stuff. Parang more of tiningnan ko as something positive. Kumbaga it’s an opportunity, ‘yung preparations ko nalaman ko na nabigay sa akin ‘yung role nanood ako ng mga vlogs ni Heart. Kasi siya ‘yung kind of peg ko. Kasi di ba ‘yung role ko dito mayaman, sosyal, bratty. Well, si Heart hindi naman bratty. Pero tinitingnan ko ‘yung mga nuances niya. Like how she talks, gano’n,” pagdedetalye pa niya.
Maymay, proud na proud sa sarili
Noong 2017 nang tanghalin bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Lucky 7 edition si Maymay Entrata. Mula noonay namayagpag na ang showbiz career ng dalaga. Ayon kay Maymay ay maraming mga bagay na ang kanyang natutunan mula nang magsimula sa industriya. “Para sa akin kasi habang tumatagal ako dito sa showbiz, dapat hindi mo lang i-embrace ‘yung success mo, pati ‘yung failures din. Kasi do’n tayo natututo, do’n tayo naggo-grow, do’n din tayo nagma-mature. Proud na proud ako sa sarili ko kasi feeling ko sa kabila ng mga pagsubok na dumaraan, mas pinili kong mag-go forward kaysa mag-doubt ako na wala namang magandang mapupuntahan,” makahulugang pahayag ni Maymay.
Para sa aktres ay hindi rin naging madali sa kanya na unawain ang mga kaganapan sa show business. Ayon kay Maymay ay mas pinipili niyang maging positibo kahit nakararamdam na ng pagod sa dami ng kanyang mga ginawa sa loob nang halos taun taon. “Hindi ako naniniwala sa mood swings. Kasi feeling ko choice nila ‘yung magalit, hindi ko lang parang pansin. Sorry ha, natamaan ‘yung iba. Ako kasi ‘yung tao na ‘pag may ginagawa akong malaking bagay, binibigay ko lahat 100%. Pero siyempre kapag meron ka minsan nagdadalawang isip ka, minsan ‘yung confidence mo mas magiging mahina. Mas piliin ko talaga maging positibo kaya maging negatibo ka. Kasi ‘pag naging negatibo ka, kakainin lahat ng mga gagawin mo or ‘yung mga plano mo sisirain niya. Pero ‘pag maging positibo ka, moving forward ka lang. Pinili ko lang, ang choice ko lang maging positibo,” paliwanag ng dalaga. (Reports from JCC)