^

PSN Showbiz

Ginhawa Sa byahe handog ng tvplus go

Pilipino Star Ngayon
Ginhawa Sa byahe handog ng tvplus go

MANILA, Philippines — Malaking pasasalamat ang ipinahiwatig ng ilang commuters dahil bawas ang pagkainip at pagod sa byahe ang naging dulot sa kanila ng ABS-CBN TVplus GO, ang mobile device na nag­hahatid ng mga channel at palabas sa ABS-CBN TVplus“Hindi na boring ang biyahe ko lalo na kapag traffic. Masaya ako na napapanood ko ang mga paborito kong TV shows kahit nasa biyahe ako,” saad ni Shemlyn Orinoco, isang working mom na sumasakay ng FX araw-araw.

Nakapanayam si Shemlyn, pati na ang ilan pang commuter, ni DJ Jhai Ho sa Umagang Kay Ganda nang bumisita ito sa iba’t ibang transportation terminal sa Metro Manila.

Para naman kay Mark Ong, isang working professional na araw-araw sumasakay sa MRT, “lalo na kapag mahaba ang pila, hindi na ako naiinip. Masaya ako everytime na nakakanood ako ng mga paborito kong TV shows at balita.”

Bukod sa nakakaginhawa ito sa kanyang pag-aantay sa pila, “hindi nito kailangan ng mobile data habang nanunuod,” bagay na labis na kinatutuwa ni Mark. “Hindi ko na kailangang magmadali umuwi para makapanood,” dagdag pa nito.   

Samantala, sulit na sulit din ang lady guard na si Riza Balancar ang kanyang TVplus GO sa kanyang pagje-jeep tuwing pumapasok sa trabaho.

“Dahil sa aking schedule sa trabaho, kadalasan late na ako nakakauwi dahil sa sobrang traffic, hindi na ako nakakapanood ng balita at ng mga paborito kong Kapamilya shows. Kaya nagpapasalamat ako dahil sa TVplus GO… kahit nasa pila ako kagaya ngayon o nasa byahe man ako… pwede na ako manood kahit anong oras,” sabi ni Riza.

Ilan lamang sina Shemlyn, Mark, at Riza sa mga bumuti ang commuting experience dala ng TVplus GO.

TV PLUS GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with