Kim may natutunan nang makagat ng aso
“Lesson learned never pet a ‘stranger’ dog, just because they’re cute and small,” ang natutunan ni Kim Chiu matapos nga niyang isugod ang sarili the other night sa hospital para magpa-inject ng anti-rabies matapos makagat ng puppy. “Rushed to ER. Bitten by a “small dog” in bgc. “
Meron naman siyang message sa mga pet owner na mahilig magdala ng kanilang mga alagang pet sa public places. “To all the owners walking their dogs, please be mindful and always keep them on a leash. Look after them and never leave them unattended. Thank you to shangrilafort for the urgent assistance and st lukes bgc. #antirabiesshot” sabi ni Kim sa kanyang IG post habang nasa ER ng isang hospital sa Taguig.
Nagpasalamat na si Kim sa mga nag-aalala at ok na raw siya.
- Latest