Carmina, nadama si Seth

Carmina

Napahanga si Carmina Villarroel kay Seth Fedelin nang mapanood ang baguhang aktor sa teleseryeng Kadenang Ginto at digital film na Abandoned. 

Ayon sa aktres ay magaling si Seth bilang isang baguhang artista sa industriya. 

Nagkatrabaho ngayon sina Carmina at Seth sa digital movie na Wild Little Love na mapapanood sa IWant. Ito ang kauna-unahang pelikula ng tambalan nina Seth at Andrea Brillantes. 

“It’s just so sad kasi hindi ko sila nakatrabaho as silang dalawa. Sigu­ro mayroong isa lang scene namin na silang dalawa ‘yung kasama ko. Pero in fairness doon sa very light scene na nakasama ko si Seth, I can say na he’s really promising. And I’m not saying this because he’s in front of me, or kasi mayroon ka­ming movie,” bungad ni Carmina.

Ayon sa dating child star ay talagang nakitaan niya ng potensyal si Seth na magiging isang magaling na alagad ng sining. “Half of my life I’ve been in the industry and marami na rin akong nakasama na mga baguhan, kasing-edad ko na, or older than me. So nakikita ko kasi kung mayroon talagang potensyal at may nararating. So si Seth, I can say doon sa one sequence na very light, nadama ko siya,” pagbabahagi ng aktres.

Maghapon Patrick, hands-on sa pag-aalaga sa tatlong anak na babae

Masayang-masaya si Patrick Garcia sa pagkakaroon ng sariling pamilya. Mula nang ikasal at mabiyayaan ng tatlong anak na babae ay talagang nagbago raw ang pananaw ng aktor sa buhay. “When you’re not yet a father they say that it’s hard daw. Pero when it’s there kayang-kaya mo lang. Of course ‘pag pagod ka there are some challenges na pagod na pagod ka na tapos ‘yung baby mo ayaw pa matulog. ‘Yon lang ‘yung challenges pero siyempre sanay naman tayo sa puyat, ‘pag artista ka lagi kang napupuyat,” nakangi­ting pahayag ni Patrick.

Kahit hindi masyadong aktibo sa show business ngayon ay masasabi naman ng aktor na talagang kuntento na siya sa buhay. “Mas masaya kaysa sa showbiz kasi dito sa pagiging tatay maraming tawanan, maraming iyakan, maraming drama, maraming suspense. Wala lang horror pero isa ito sa pinakamasayang bagay na nangyari sa akin,” giit niya.

Sinisiguro ni Patrick na talagang natututukan at naaalagaan ang mga anak sa araw-araw katuwang ang asawang si Nikka. “I wake up at 5AM everyday. I wake up Michelle and she gets ready for school and at 5:30 AM we leave for school, hinahatid ko na siya. And then if we get there early I’ll wait. Hindi ko siya iiwan do’n sa school. Hihintayin ko siya siguro hanggang 7Am kasi 7:30 ‘yung school niya eh. Minsan nando’n lang kami sa parking. After I drop her off I go home just in time for Patrice to go to school. Most of the time it’s my wife naman who takes her to school but there are times na sumasama ako to make her hatid and from there we wait at the school kasi sandali lang ‘yun, 9 to 11:30 AM. Then from school, uwi kami and eat lunch. Kapag wife ko naman ang naghihintay sa school, I stay behind to play with Pia. That’s the routine,” pagdedetalye ng aktor.

Samantala, labing-isang taong gulang na ngayon ang anak ni Patrick kay Jennilyn Mercado na si Alex Jazz. Reports from JCC

Show comments