Nakausap namin si Arnell Ignacio sa radio program namin sa DZRH nung isang gabi pagkatapos niyang makipag-meeting sa producer ng pelikula niyang Damaso.
Malungkot siya dahil sa hindi maganda ang kinalabasan nito sa takilya, pero umaasa siyang makakabawi ito sa weekend dahil posibleng panonoorin ito ng mga estudyante.
Humingi naman sila ng endorsement sa DepEd kaya inaasahan nilang lalabas ang mga estuyante sa weekend para panoorin ito.
Pero paano naman mapanood ang naturang pelikula kung nababawasan na ito ng mga sinehan.
Sa pangalawang araw pa lang ay sliding na ito sa karamihang sinehan, kaya parang dalawang screening lang ito sa loob ng isang araw.
Kaya nakiusap si Arnell sa mga theater owner na sana paabutin naman daw sila ng weekend.
“Nakalungkot naman, kasi ang lakas din ng loob namin ‘di ba?” napapangiting pakli ni Arnell.
“Nilabanan namin ang Frozen 2 pati ang Ford Vs. Ferrari. Mga heavyweight pero heto kami kakanta ng Damaso tapos… sila ‘di ba? Pero aktingan naman talaga to.
“Nakikusap naman ako dun sa ating mga sinehan. Kasi napapanood lang pala siya na hindi pala buong maghapon. Meron palang mga designated hours,” sabi pa ng actor/TV host at OWWA consultant.
Sana mapagbigyan pa raw sila ng mga theaters owner na manatili pa sila sa mga sinehan hangggang weekend man lang.
Hindi nga raw niya masagot ang ilang nagtatanong kung saan pa silang sinehan at baka raw pagpunta nila roon, wala na. “Minsan lang naman tayo nagkaroon ng ganitong pelikula na kumbaga ang lakas ng loob na tungkol naman sa atin.
“Eh tutal naman forever and ever puwede na silang kumita nang todo todo. Minsan lang ito eh, pagbigyan n’yo na kami. Kahit hanggang weekend lang naman kasi ang dami nang gustong manood. Kaya lang pag nakita nila, ay iba pala. Eh kung hapon o gabi pa kami mapalabas, hindi na nila hintayin,” saad ni Arnell.
Pati ang ilang mga kritiko na lagi raw pinupuna ang mga local films, sana pansinin din daw itong pinaghirapan nilang pelikula na ipinagmamalaki naman daw nila dahil sa maganda ang pagkagawa.
“Ako naman nanawagan dun sa ating mga moviegoer and those who have been yacking about a good film.
“Lagi nating sinasabi ‘yan no? Na dapat ganito ang mga pelikula, di ba ang daming mga kritiko na nagbibigay ng opinyon nila. O eto may ganito kaming pelikula na inaalay namin...o eto ang tingnan n’yo, silipin n’yo naman. Kasi naman nakikinig kami sa sinasabi nyo, eto nagsikap kaming gumawa, suportahan n’yo naman,” pakiusap pa ni Arnell.
Ang isa lang daw sa ipinagdarasal niya na sana hindi naman daw madala ang mga producer niya sa paggawa ng pelikula dahil ngayon lang nila pinasok ang ganitong negosyo.
Ano na nga ba ang nangyari sa pinagmitingan noon ng mga filmmaker at theater owners na may press release pang ililipat na ng Biyernes ang first day of showing ng mga pelikula natin?
Meron pa silang inaayos na napagkasunduan daw sa mga theater owner na huwag tanggalan ng mga sinehan ang mga mahihinang pelikula, na paabutin man lang hanggang Biyernes.
Mukhang wala naman nabago at ganun pa rin ang kalakaran.
Coco hindi na raw naaalagaan ang sarili
Kinuha na ni AiAi delas Alas ang isa sa natanggal na sa The Clash na si Tombi Romulo.
Nanghinayang kasi siya sa talent nito kaya gusto niyang alagaan para magka-career. Nanghihinayang siya dahil magaling pa naman ito.
Wala nga raw siyang kadala-dala, pagkatapos ng ‘di magandang karanasan sa Ex Battalion.
Meron na namang posibleng magpapaalam sa The Clash bukas na maaring i-manage na rin ni AiAi.
Samantala, doon sa renewal niya sa Hobe ay nilinaw sa amin ni AiAi na hindi raw isyu iyung billing niya sa Metro Manila Film Festival entry nila nina Coco Martin at Jennylyn Mercado na Tripol Trobol.
Nagpapasalamat daw siya kay Coco dahil kinuha siya sa proyektong ito at first time niyang nakatrabaho ang Kapamilya Primetime King.
Doon daw niya nakita kung gaano ka-perfectionist si Coco bilang director.
Sobrang stressed na nga raw ito dahil sa nilalagare din niya ang FPJ’s Ang Probinsyano.
Kaya minsan hindi na raw naalagaan ni Coco ang sarili sa ilang eksena na huli na lang daw napansin, medyo oily na ito sa ilang eksena.