^

PSN Showbiz

Sunday Pinasaya tuloy ang pag-babu sa ere!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sunday Pinasaya tuloy ang pag-babu sa ere!
Sunday Pinasaya

Sad naman ang news na malapit nang mag-goodbye sa TV ang Sunday PinaSaya na apat na taong naghatid ng entertainment sa televiewers.

May ibang dahilan ang nalalapit na pagpapaalam ng Sunday variety show ng APT Entertainment na napapanood sa GMA 7.

Hindi totoo na mawawala ang Sunday PinaSaya dahil sa poor ratings. Magkaiba ang ibig sabihin ng magpapaalam at titigbakin.

Sure ako na sad ang cast members at production staff ng Sunday PinaSaya dahil wala naman happy goodbyes.

At least, nagtagal ng apat na taon ang kanilang programa. Mas masakit ang na-feel ng mga host at staff ng Startalk dahil twenty years-old ang aming Saturday afternoon talk show nang mag-babu ito sa ere. Mas matindi ang separation anxiety dahil twenty years is twenty years. Mas matagal pa nga ang aming show kesa sa relasyon ng mga showbiz personality na nagpakasal pero naghiwalay rin.

Tiyak ko naman na mabibigyan ng mga project ang mga mainstay ng Sunday PinaSaya na affected sa nalalapit na pagkawala ng kanilang programa.

Totoo talaga ang kasabihan na kapag may usok, sigurado na may apoy.

Blind item ang unang lumabas noon tungkol sa isang weekly show na magpapaalam bago matapos ang 2019.

Kanya-kanya ng hula ang mahihilig sa showbiz at ang Sunday PinaSaya nga ang naisip nila na sagot sa blind item.

True enough, malapit nang mag-goodbye ang Sunday PinaSaya.

Waiting ang lahat sa official announcement ng GMA 7 tungkol sa show na ipapalit nila sa Sunday PinaSaya na blocktimer sa Kapuso Network dahil ang APT Entertainment ang producer.

Maipagmamalaki ng Sunday PinaSaya people na mawawala ng show nila na mataas pa rin ang ratings at loaded ng mga television ad.

AiAi at Gerald kuntento na sa mga anak

Hindi na pala tuloy ang balak ni AiAi Delas Alas na magkaroon ng baby sa pamamagitan ng scientific method dahil ipinaliwanag sa kanya na risky kapag nagbuntis siya.

Agree si Gerald Sibayan, ang loving husband ni AiAi na huwag nang magbuntis kesa malagay sa peligro ang buhay ng misis niya.

Sinabi ni AiAi ang sad news na hindi na matutuloy ang kanyang pagbubuntis sa presscon ng renewal niya bilang celebrity endorser ng Hobe Noodles ng Centennial Food Corporation na pag-aari ng kumpare ko na si Bobby Co.

Limang taon nang endorser si AiAi ng Hobe easy to cook noodles at dahil nga sa haba ng pinagsamahan nila ni Boss Bob na ninong sa kasal nila ni Gerald, umayon din ang Hobe owner sa desisyon ng Comedy Queen na huwag nang ituloy ang plano na pagbubuntis.

May tatlong anak na si AiAi at may adopted son sila ni Gerald kaya okey lang para sa kanila na hindi na ituloy ang binabalak na pagkakaroon ng baby.

Bongga ang AiAi na talagang trabaho muna ang haharapin samantalang malapit nang magkaroon si Gerald ng lisensya bilang piloto ng eroplano.

SUNDAY PINASAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with