Buti naman kung totoo ngang naka-move on na si Bea Alonzo sa nakapakalungkot at kontrobersyal na kabanata ng pag-ibig niya with Gerald Anderson. Ang sigurado, mahihirapan siyang muling magkaro’n ng relasyon. At sana dumami pa ang mga project para makatulong sa patuloy na healing niya.
Zoren gagampanan ang ginawa ni Tirso Cruz III
Babalikan din ni Zoren Legaspi ang kanyang pag-aartista via the remake of the Nora Aunor/Tirso Cruz lll blockbuster movie in the 80’s Bilangin Mo Ang Bituin sa Langit.
Lately ay sa pagdidirek nakatuon ang pansin ng padre de familia ng mga Legaspi pero, isang napakagandang alok ang ibinigay sa kanya ng Kapuso Network sa pamamagitan ng isang bagong terelserye, ito ngang Bilangin.... Gagampanam niya ang role ni Pip at ni Nora Aunor ni Mylene Dizon. Meron bang makakatanggi sa ganitong importanteng project?
Kung noon ay si direktor Elwood Perez ang ang nag-handle ng film, ang serye ay hahawakan ni Laurice Guillen, kasama ang mga bagong karagdagang cast – ang nagbabalik ding sina Isabel Rivas at Divina Valencia, Gabby Eigenman, Ina Feleo at Kyline Alcantara.
Kyle at Francine malalaman kung gaano kasikat
Excited ang mga millennial fans, hindi kasi nila alam kung kung ano ang aasahan nila sa iWant series na Silly Red Shoes na magtatampok sa kalahating bahagi ng Gold Squad na sina Kyle Echarri at Francine Diaz. Hindi man sila magtatapat ng Andrea Brillantes/Seth Fredelin tandem na mayro’n ding movie sa iWant, still the result of the series will determine who between the loveteams ang may mas maraming followers.
Maymay at Edward magpapaiyak sa MMK
Kitang-kita ang pagpapatuloy ng tambalan ng MayWard na maiangat ang tambalan sa pamamagitan ng madalas na pagsasama nila, mapa-showbiz man o hindi.
Supportive si Edward Barber sa mga solo project ni Maymay Entrata maski na ‘yung tungkol sa pagrampa nito bilang fashion mode. When Edward made a fantasy series, magkasama silang dalawa behind cameras. Nakikita ng manonood ang effort nila para mapagaling ang sarili nila sa mga role na tinatanggap nila.
Ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya, isang di malilimutang pagganap ang ipamamalas ng MayWard bilang kabataang sinubok ang pag-iibigan ng isang malubhang sakit. Sinasabing ang portrayal ng dalawa sa MMK ay magtataas ng kanilang antas bilang mga artista.