^

PSN Showbiz

Da Vinci may libreng pa-sine

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para bigyang-karangalan ang ika-500 na anibersaryo ng pagkamatay ni Leonardo da Vinci, magkakaroon ng Philippine premiere ang Essere Leonardo da Vinci, un’intervista impossibile (Being Leonardo da Vinci, an impossible interview) na directed ng Italian screenwriter, director, at actor na si Massimiliano Finazzer Flory sa ika-22 na Cine Europa. Itinampok ang pelikula sa festival run nito sa Makati noong Setyembre, at ipapalabas naman ito sa reception night sa last leg nito sa Maynila ngayong Nobyembre 19, 2019 ng 7:30 PM sa Cinematheque Centre Manila.

Bahagi ang film screening ng Leonardo in Manila, isang serye ng events na gaganapin sa buong Nobyembre para magbigay-pugay sa tao sa likod ng Mona Lisa, the Last Supper, at Vitruvian Man. Hosted ang activities ng Embassy of Italy kasama ng Philippine Italian Association at Italian Chamber of Commerce in the Philippines (ICCP) sa pakikipagtulungan sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), Cine Europa 22, at EU Delegation to the Philippines.

Batay ang Essere Leonardo da Vinci, un’intervista impossibile sa isang dulang isinulat at isinagawa ni Flory noong 2016. Ipinapakita ng pelikula ang dalawang journalists—na walang malay sa isa’t isa—na naghahanap ng scoop tungkol sa ika-500 death anniversary ni da Vinci. Nakarating sila sa libingan ni Da Vinci sa Clos Lucé kung saan nakita nila mismo ang celebrated Renaissance artist. Pumayag si Da Vinci na magpa-interview para pag-usapan ang kanyang art.

 Isang movie presentation ni Flory ang gaganapin nang libre at bukas sa publiko sa first-come, first-served basis ng 5:00 PM bago ang film screening. Tumakbo ang Cine Europa 22 nung Nobyembre 13 hanggang 24, 2019 sa Cinematheque Centre Manila. Ang admission para sa screening ay libre at bukas sa publiko sa first-come, first-served basis.

 

LEONARDO DA VINCI

MASSIMILIANO FINAZZER FLORY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with