Kuwento ng pagbangon, ibabahagi ng ‘Yolanda’ survivors sa paglaum
MANILA, Philippines — Muling sasariwain ng ABS-CBN News kung paano nabago at napinsala ng bagyong Yolanda, isa sa pinakamalakas na super typhoon sa kasaysayan, ang buhay ng libo-libong Pilipino noong nanalasa ito sa bansa noong Nobyembre 8, 2013. Anim na taon makalipas ang delubyo, ibabahagi ng mga nakaligtas sa Yolanda kung paano sila nagsumikap na unti-unting makabangon sa isang espesyal na dokumentaryong eere ngayong Linggo (Nobyembre 17) sa ABS-CBN at iWant.
Tampok sa dokyu na pinamagatang Paglaum (pag-asa), Magkasama sa Pagbangon ang mga makapukaw-damdamin na mga kwento ng Yolanda survivors na inalala ang mapait nilang karanasan. Bida rin sa dokyu kung paano sila muling nagkaroon ng lakas ng loob na patuloy na harapin ang mga hamon ng buhay.
Ipapakita rin sa Paglaum, Magkasama sa Pagbangon ang pagbuhos ng pagmamahal at suporta ng mga volunteer, donor, at partner sa mga nasalanta, at ang patuloy na pagtulong ng mga organisasyon tulad ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation upang makabangon at makaahon ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyp.
Panoorin ang dokumentaryong Paglaum, Magkasama sa Pagbangon na hatid ng ABS-CBN DocuCentral ngayong Linggo (Nobyembre 17) bago ang ASAP Natin ‘To sa ABS-CBN.
- Latest