Isa si Dionne Monsanto sa mga tumatak sa manonood bilang kontrabida dahil sa mahusay na pagganap noon sa teleseryeng Tubig at Langis. Ngayon ay hinahanap-hanap na raw ng aktres ang pag-arte sa telebisyon. “I miss doing TV. I’m available next year kasi mag-December na, busy na sa Christmas, but sana teleserye ulit. I’m available next year. Ang hirap kasi ng schedule, ‘yon ang parati kong tinatanong, They have to give me like months kung kailan natin gagawin ito,” nakangiting pahayag ni Dionne.
Epektibo talagang gumanap ang dalaga bilang kontrabida kaya naman nakakainisan ng ilang manonood kapag pumupunta sa pampublikong lugar. “I’ve experienced so many times na kinukurot ako sa mall, minumura ako sa mall, natapik na ako. Ngayon it’s much better pero people still think that I’m maldita in real life,” kwento ng aktres.
Sa ngayon ay umaasa si Dionne na mabibigyan siyang muli ng isang magandang proyekto ng Kapamilya network.
Joem nahirapang sumikat dahil kay Piolo
Mula noong nagsisimula pa lamang sa show business ay madalas nang naririnig ni Joem Bascon sa mga tao na malaki ang pagkakahawig nila ni Piolo Pascual. Ayon sa binata ay nahirapan siyang magkaroon ng sariling identity dahil sa pagiging magkamukha nila ni Piolo. “Gusto namin ng management ko na maging matinee idol sana. No’ng tumatagal nahihirapan kami kasi nga parang look-a-like lang ako ni Piolo. Shadow lang niya ako. So mahirap talaga sa simula. So gumawa kami ng paraan, tumanggap ng character roles and for years ‘yon naman ‘yung naging happy ako. Kasi to be a character actor is about longevity eh. Nai-explore ko ‘yung different roles and ngayon nandito pa rin ako,” bungad ni Joem.
Aminado ang aktor na malaki ang naitulong sa kanya nang pagkakahawig nila ni Piolo pero may disadvantage din ito. “Oo naman, may advantage at disadvantage siya. ‘Yung advantage, talagang napansin. Pero siyempre after ‘pag nagma-mature ka na, hindi ka puwedeng nando’n na lang palagi. Siyempre, gusto mo ring gumawa ng iba, gusto mo ring mapansin ka, ‘yung ikaw mismo. So naghanap ako ng iba pang paraan,” giit ng binata.
Kahit mahigit isang dekada na sa industriya ay masaya pa rin umano si Joem kapag nasasabihan siya ng mga tao na magkahawig silang dalawa ni Piolo. “Natutuwa pa rin ako siyempre. Kasi ito ‘yung mga tao dati na nakakaalala sa akin paano ako nag-start. So siyempre sino ba namang hindi matutuwa? Kasi si Piolo ‘yung alam naman natin na idolo ng lahat ng bata. Siya ‘yung gusto kong maging ng mga bata. ‘Yung galing umarte, ‘yung talino niya sa industriya, bilang businessman at ‘yung pagkatao niya mismo talagang hahangaan mo,” paglalahad ng aktor. Reports from JCC